Kris Aquino, bakit may takot sa numero 21?

by PEP Troika
Jul 16, 2018

JERRY OLEA: Ni-repost ni Kris Aquino nitong Hulyo 15, Linggo, sa Instagram at Facebook ang isang post ng "Minsan Okay Lang Ma-Traffic" blog ng young writer na si Charina Clarisse Echaluce entitled "21 Thoughts While Watching 'I Love You, Hater.'"


Natanto ni Kris na, “For 35 years of my life, I’ve had 1 FEAR — the number 21. Hindi po ako bumabyahe, umaapak ng airport, nag-e-schedule ng anything significant basta ang petsa ng buwan ay 21.

Continue reading below ↓

“Pero pwede palang mabago ng ‘Minsan Okay Lang Ma-Traffic’ ang tingin ko sa 21...”

Agosto 21 pinaslang ang kanyang amang si Ninoy Aquino. Dose anyos noon si Kris.

Setyembre 21 idineklara ang Martial Law.

Sabi pa ni Kris, “Ito yung mas nakakakilabot. My mom was 38 when she had me, and I was 38 when she died.

“50 ang Dad ko when he died. 50 si Noy when he became president.”


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Dahil maraming ganap, susubukan kong habulin ang panonood ng I Love You, Hater ngayong araw, July 17, bago dumating ang malaking Hollywood film na Mamma Mia!, para maranasan ang sinasabing lessons in Love, Honesty and Forgiveness.

#SupportLocal tayo!

GORGY RULA: Kung anu-ano ang naisip na pati ang numero pinagdiskitahan.

May sarili rin sana akong interpretasyon sa numerong 21 na kinatatakutan niya, pero tiyak na di niya magustuhan.

Sa numero 21, alin kaya ang mas di niya nagustuhan? Ang maging number 2 o maging number 1?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results