Alexander Lee, aminadong worried sa unang pagkikita nila ni Maine Mendoza

by PEP Troika
Jul 17, 2018

GORGY RULA: Pagkatapos ng My Korean Jagiya, gusto pa rin sana ng Korean singer-actor na si Alexander Lee na makagawa ng isa pang drama series sa GMA-7.


Bumalik kasi siya rito para i-promote ang bagong single niyang "Keep Ya Head Up," kung saan nakipag-collaborate siya sa isa ring Korean singer-songwriter—si Marucci.

Continue reading below ↓

Binansagan nilang AXM o Alexander X Marucci ang kandilang collaboration.


Gustung-gusto ni Alexander na magtrabaho uli rito kaya tuwang-tuwa siyang nakapag-guest sa Daig Kayo ng Lola Ko, kung saan nakasama niya si Maine Mendoza.

Pero tinanong namin kung gusto ba niyang magka-soap uli sa Kapuso network.

“I love working here. To do another soap? You can ask GMA. Hello? It’s up to them,” nakangiti niyang sagot sa amin.

Continue reading below ↓

Pero naibahagi rin ni Alexander na ibang experience daw na nakatrabaho niya si Maine.

Aware siyang sobrang sikat si Maine, pero doon lang daw sa taping ng Daig Kayo ng Lola Ko niya ito nakilala.

“You know, I saw Alden [Richards] many times, and this is my first time to meet Maine in person.

“At first I was, like, worried, because she is a phenomenal star. She might be mayabang, a diva or whatever.

"But when I saw her, she’s so down to earth.

"Just like girl a next door, very nice, very friendly.

"So I enjoyed working with her," saad ni Alexander sa presscon ng kanyang single na ginanap sa KPub Trinoma kahapon ng tanghali, July 16.

Pati ang ka-partner ni Alexander sa pag-promote na si Marucci ay gusto rin daw niyang makagawa pa ng kanta rito at dream makipag-collaborate sa Ex Battalion.

NOEL FERRER: In fairness, mabait naman si Alexander Lee, kaya kahit tapos na ang teleserye niya, which tested his novelty, at least may iba pa siyang talent na puwedeng i-showcase kaya may panibagong pag-uusapan at aabangan sa kanya.

Continue reading below ↓

The challenge is how he can sustain the public’s interest in him that should turn to admiration, hindi lang sa kanyang goodness at hardwork, kundi para sa kanyang pagiging mahusay sana sa mga ginagawa niya. Good luck!

JERRY OLEA: Nitong July 16, Lunes, ay ikatlong anibersaryo ng AlDub, kasabay ang ika-28 anibersaryo ng lindol na yumanig sa Central Luzon at Cordillera region.

May sariling payanig si Alexander Lee, lalo pa’t katambal niya si Maine Mendoza sa Daig Kayo ng Lola Ko.

After Heart Evangelista and Maine Mendoza, kanino kaya itatambal si Alexander?

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Alexander Lee
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results