Young actor, nakatikim ng "buong pamilyang" sampal mula sa young actress

by PEP Troika
Jul 17, 2018

GORGY RULA: Ang batas na R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children ay proteksiyon sa mga kababaihan at kabataan.

Kaya ang himutok ng ilang kalalakihan, “Paano naman kami?”

Ang daming kaso ng mga lalaking nabubugbog ng partner nilang babae, pero hindi nabibigyang proteksiyon ang mga battered husband o battered boyfriend.

Maaring iyon ang hinaing ng guwapitong young actor pagkatapos siyang nakatikim ng pananakit mula kay young actress.

Ayon sa aming source, hindi lang daw mag-asawa kundi "buong pamilyang" sampal ang natikman ni young actor mula sa kasintahang young actress.

Hindi lang makaimik si young actor dahil ang laging panakot sa kanya ni young actress tuwing nag-aaway sila ay tatawag daw siya ng pulis at magsusumbong na sinasaktan siya.

Kaya hindi na raw makaimik si young actor.

Ingat na ingat siya at pilit na pinapakalma ang sarili kapag nagtatalo silang magkasintahan.

Iniiwasan na niya ang pampu-provoke ni young actress para hindi na lang sila magkagulo.

Continue reading below ↓

Pero lalo pa yatang lumalala dahil, kahit sa public place, basta na lang niyang sampalin si young actor.

Itong eksenang sampalan ay nangyari raw sa isang birthday party ng kanilang kaibigan kamakailan lang.

Nasaksihan daw ng ilang close friends ang matinding away ng dalawa, kung saan nasampal ni young actress itong si young actor.

Kaya napilitan na raw ang ilang kaibigan na makialam.

Pinakiusapan daw nila si young actress na huwag magpadala sa init ng ulo. Mag-usap sila nang maaayos.

Ayaw pa raw sana ni young actor na makipag-usap dahil decided na siyang makipaghiwalay kay young actress, pero pinakiusapan ng mga close friends na mabuting pag-usapan nang maayos.

Sa loob daw sila ng kotse nag-usap.

Wala na kaming ideya kung ano ang pinag-usapan nila, pero ramdam daw sa labas na may gulong nangyari sa loob.

Nagulat na lang daw ang security guard nang narinig niyang sumisigaw na si young actor at umiiyak.

Continue reading below ↓

Umiiyak pa raw ito na lumabas ng kotse.

Pinakiusapan namin ang handler ni young actor kung puwedeng tanungin ang alaga niya kung ano ginawa sa kanya ni young actress sa loob ng kotse.

“Huwag na po,” yun lang daw ang sagot ni young actor.

Ayaw na kasi niyang lumaki pa ang isyu kaya mananahimik na lang daw siya.

Alam daw ng ilang close friends nila ang buong pangyayari, pero ayaw na ni young actor na palakihin pa ito.

Gusto na lang daw niyang mag-move forward at mag-focus sa kanyang trabaho at ibuhos ang panahon sa kanyang pamilya.

Ayaw na raw muna niyang ma-in love.

Ramdam namin kay young actor ang trauma sa nakaraang relasyon.

NOEL FERRER: Kung destructive na nga ang relasyon, one must really get out of it na.

Kung ito nga ang tinutukoy ng isang radio commentator kahapon, totoo bang matagal nang nagli-live in at pumisan na ang young actress sa lugar ng boyfriend nito?

Continue reading below ↓

At kung nakapagdesisyon na ang aktor na iwanan ang young actress sa kanilang pinanggalingang pinagtatrabahuhan, marahil kaya na rin niyang iwanan ang relasyon na hindi nagdudulot ng maganda sa kanya.

Sana lang ay mabigyan ng magandang projects ang lalaki, dahil mukhang desidido ang network ni babae na i-build up siya.

JERRY OLEA: Art imitates Life. Life imitates Art.

Sa pelikulang Latay, battered husband si Allen Dizon. Araw man o gabi, bugbog-sarado siya kay Lovi Poe.

Naalala ko rin ang pelikulang Bugbog Sarado (2003) na tinampukan nina Maui Taylor, Jordan Herrera, Victor Neri, at Andrea del Rosario, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Pa-victim dito si Maui. Ewan kung napanood iyon ng young actor na si K.

O baka ang napanood ni K ay ang 2018 Valentine movie na Sin Island, na ang eklay ni Nathalie Hart kay Xian Lim ay ginawa siyang punching ni Bernard Palanca.

Sarap-sarapan ang young actor sa blind item, kaya hindi na kami nagtatakang ayaw siyang pakawalan ng young actress.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results