Paul Salas at Barbie Imperial: Sino ang nakipag-break at bakit ito humantong sa "sakitan"?

by PEP Troika
Jul 18, 2018

JERRY OLEA: Maangas ang 20-anyos na si Paul Salas, anak ng UMD (Universal Motion Dancers) member na si Jim Salas.

Noong nasa ABS-CBN pa siya, walang keber siyang nagpatutsada kay Daniel Padilla.

Hot property ng Kapamilya Network si Daniel, kaya hindi kami nagtaka na nalagay sa freezer si Paul.

Ang masaklap pa, ang kasintahan niyang si Barbie Imperial (magtu-20 sa Agosto 1) ay pinili upang maging leading lady ni JM de Guzman sa comeback teleserye nitong Araw Gabi.


Continue reading below ↓

Kumalas si Paul sa ABS-CBN, at balik-Kapuso.

Kaugnay sa presscon ng Araw Gabi, pumalag si Paul sa tanong ng isang showbiz reporter kay Barbie.

Nagpumiglas ang kanyang angas, nguni’t nahimasmasan siya.

Mainit ang pagtanggap ng televiewers sa Araw Gabi, at sa patuloy na pagkislap ng bituin ni Barbie ay napag-iwanan ang career ni Paul.

May mga pahiwatig na nagkakamabutihan na sina Barbie at JM.

Kaya marami ang nagpalagay na aasim, papait, papakla o mapapanis ang young love, sweet love nina Barbie at Paul.

Hanggang sa heto na... nag-post si Barbie ng mga pasa sa kanyang katawan.

Siyempre pa, na-bash nang bonggang-bongga si Paul.

Nag-post si Kristoffer Martin (kaibigan ni Paul) kaugnay sa isyung pa-victim sa bugbugan, ngunit nahimasmasan din siya at ayaw detalyehin ang kaganapan.

Sinuportahan si Barbie ng kanyang ina.

Siyempre, suportado si Paul ng kanyang ina.

Malinaw na hiwalay na sina Barbie at Paul, na hindi maganda ang kanilang paghihiwalay.

Continue reading below ↓

Sino ang humiwalay kanino?

At bakit may mga pasa si Barbie?

NOEL FERRER: Galing sa isang pelikula ng aking kabataan, ang sabi’y “Love should not be a heavy feeling. It should not make you suffer.”

Muli sinasabi ko na love is never destructive.

Kung humantong na sila sa sakitan: salita man o sa gawa, mas mainam pa ngang maghiwalay na sila.

Sana lang, pareho silang mas mapabuti sa kanilang paghihiwalay.

Wala nang siraan. Wala nang pagkuha ng simpatiya ng publiko.

Let us see, between Paul and Barbie, who do you think will take the high road?

For now, parang what’s happening is beinging out the worst in them.

I hope cooler and more mature heads will prevail.

Sorry, pero hindi rin si Kristoffer Martin yun.

Kalungkot. Sayang.

GORGY RULA: Mukhang todo ang suporta ng Kapamilya network sa pinagdadaanan ngayon ni Barbie Imperial.

Ang GMA-7 kaya, ganundin kay Paul Salas?

Continue reading below ↓

Pero ayaw nang palikihin ni Paul ang isyung ito kaya wala siyang pinagbigyang interview.

Mukhang mas focus naman ngayon ni Barbie ang career niya, kaya alang-alang sa kani-kanilang career, sana manahimik na lang sila.

Mag-break na kung talagang di na maayos.

Huwag na lang sana silang magsalita o mag-post ng kung anu-ano para hindi na makaapekto sa kanilang career itong isyu ng hiwalayan.

Pati na rin sana ang mga taong nakapaligid sa kanila, huwag na mag-post ng kung anu-ano.

Ceasefire na!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results