Cebuana actress na si Chai Fonacier, masaya sa simpleng buhay ni John Lloyd Cruz sa Cebu

by PEP Troika
Jul 18, 2018

GORGY RULA: Si Chai Fonacier ang isa sa natuwa nang ibinalita namin sa kanyang sobrang na-adapt na ni John Lloyd Cruz ang buhay sa Cebu.


Nakausap namin ang Cebuanang aktres sa presscon ng pelikula niyang Pinay Beauty kahapon, July 17.

Nabanggit ng kaibigang Allan Diones na mukhang na-adapt na ni John Lloyd ang buhay probinsyano sa Cebu.

Continue reading below ↓

Hindi raw sila magkakilala ni John Lloyd at hindi niya gaanong nasubaybayan ang kuwento ng aktor, kaya hindi alam ni Chai na sa Cebu na ito naninirahan at iniwan na ang buhay-showbiz.

“It’s not surprising kasi marami akong nakilala from Metro Manila na nung nakilala ko sila, akala ko Cebuano sila, yun pala they’re from here and then they lived there ng mga five years, and very fluent na sila sa Cebuano,” saad ni Chai.

Nagulat si Chai nang idinetalye naming kaya pinili ni John Lloyd na doon manirahan sa Cebu ay dahil sa pag-ibig kay Ellen Adarna.

Kahit pareho silang taga-Cebu ni Ellen, hindi raw sila magkakilala dahil magkaiba raw sila ng circle.

Si Chai raw ay napabilang sa mahirap na Fonacier, pero marami naman daw siyang kakilala roon, hindi nga lang sa kagrupo ni Ellen.

Pero nakakatuwa raw na pinili ni John Lloyd na iwan ang pag-aartista at doon na siya sa Cebu kasama si Ellen.

Continue reading below ↓

Parang naka-relate din daw si Chai na iniwan ang simpleng buhay sa Cebu, at dito na manirahan sa Maynila.

Ang pagkakaiba lang daw, dahil sa pag-ibig ang rason ni John Lloyd, sa kanya naman daw ay trabaho kaya pinili niyang manirahan sa Maynila.

“Natutuwa din ako actually,” pakli ni Chai.

“I think I’m having similar experience with him na from Cebu 'tapos lumipat ng Manila.

“I think we’re both finding new things that we never had in our respective hometowns,” dagdag niyang pahayag.

Si Chai ang bida sa Pinay Beauty (See No White), ang pelikula ni Direk Jay Abello para sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula na sa August 15 hanggang 21.

Sabi ni Chai, hindi pa rin daw nagsi-sink in sa kanya na bida na siya sa isang pelikula.

NOEL FERRER: Sobrang talented nitong si Chai Fonacier dahil bukod sa magaling na aktres, isa rin siyang singer-composer under the Elements program ni Ryan Cayabyab, na magsasabing isa siya talagang committed artist.

Continue reading below ↓

Kaya after Patay Na Si Hesus at Respeto, excited akong mapanood siya rito sa Pinay Beauty.

JERRY OLEA: Ano bang meron sa Metro Cebu na wala sa Metro Manila?

Unang-una na siguro, trapik.

Halos doble ng laki ng Kamaynilaan ang Kalakhang Cebu.

Makakapamuhay sila nang mas tahimik, malayu-layo sa maintrigang mundo ng showbiz.

Sa pagbuo nina Ellen at John Lloyd ng pamilya, mas simple at pribado ang buhay nila.

Si Chai na nag-aartista at ngayon pa lang nagbida, napatunayan na ang galing niya.

Hanggang saan kaya ang pagningning ng kanyang bituin?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results