Guwapitong young actor, trip pag-usapan ang existence ng bato at lupa

by PEP Troika
Jul 18, 2018

GORGY RULA: Ang daming bading na nagnanasa sa guwapitong young actor na ito.

Nang kumalat ang video scandal niya, lalong nag-init ang mga kabadingan sa kanya dahil katilam-tilam naman talaga siya.

Pero naloloka pala ang ilang bading na production staff ng pelikulang ginawa niya dahil ang weird daw nitong kausap.

Kapag malalim na kasi ang usapan, diyan na raw magsisimulang magkuwento si guwapitong young actor ng tungkol sa bato at lupa.

Nakahiligan din daw niyang pag-usapan ang constellation, milky way, at kung anik-anik sa heavenly bodies.

Type na type pa naman daw nilang tsikahin ito sa shooting, pero hindi na raw sila makaimik kapag nagsimula na siyang magkuwento ng existence ng bato at lupa.

Sabi nga ng isang mahaderang bading na staff ng pelikulang pinagsyutingan niya, tapos na raw sila kay Chin Chin Gutierrez na ang hilig pag-usapan o minsan kinakausap pa ang mga halaman at insekto, 'tapos heto na naman daw tayo sa isang artistang mga bato at lupa naman ang type pagdiskitahan.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Hindi kaya ibang “bato” ang kanyang ibig sabihin, kapatid na Gorgy? Hehehe!

Dapat mag-aral ng geology at astronomy ang mga bading na gustong maging close dito sa aktor na ito.

Bakit, ga-Jupiter ba ang laki? O Saturn na may ring?

JERRY OLEA: Hindi naman siguro napanood ng talap-talap na young actor ang pelikulang Bato, Lupa, Putik (1990) na tinampukan nina Rachel Lobangco, Lani Lobangco, at Liz Alindogan.

Hindi rin lang siguro masakyan ng mga bading na production staff ang trip ni young actor na Cosmology.

E, di ba, may isa pang yummylicious young actor na interesado rin sa origin and evolution ng universe?

Kaya mga beshie, maliban sa pagtutok sa Cosmetology at Miss Universe, mag-research kayo sa Astrophysics at kaugnay na subjects para keribels ninyong makipagtalastasan kay talap-talap na young actor.

Touche!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results