Adolf Alix Jr., ididirek sina Marian Rivera at Kris Aquino sa magkaibang horror films

by PEP Troika
Jul 18, 2018

NOEL FERRER: Nauna nang napabalitang hindi na si Rodel Nacianceno (Coco Martin) ang magdidirek ng MMFF entry nila ni Bossing Vic Sotto kundi ang mismong taga APT Entertainment na si Mike Tuviera.

Estudyante ko si Mike sa Ateneo at noon pa man, masaya na ako at tinahak na ang pagdidirek na minana rin niya sa daddy niyang si Tony Tuviera na on top of major TV projects.

May Graded A film projects si Mike tulad ng TXT ni Angel Locsin at naging Best Director na siya sa Cinemalaya entry niyang The Janitor.

Ngayon, kung si Mike na ang gagawa ng Vic-Coco movie, sino ang magdidirek ng isa pa nilang passion project starring Marian Rivera na Ang Balon, isang horror film na napakaganda ring materyal na dapat lang isapelikula?

Laking tuwa ko na si Direk Adolf Alix Jr. na ang nakatoka sa pelikula ni Marian.


Continue reading below ↓

At ang sabi niya’y sabay o halos magkasunod niyang gagawin ang isa pang horror film with Kris Aquino naman for iflix.

So everyone’s busy.

Si Direk Adolf nga ay meron pang pinu-promote na pelikula para sa Pista Ng Pelikulang Pilipino, ang Madilim Ang Gabi, na nag-premiere sa Toronto.

Tampok dito sina Gina Alajar at Philip Salvador, at maraming cameo na pumayag dahil celebration din ang pelikulang ito ng 20th anniversary ni Direk Adolf sa showbiz.

We wish all these projects the best!

JERRY OLEA: Nagpapasalamat si Direk Adolf sa mga proyektong patuloy na dumarating sa kanya.

Aniya tungkol sa iflix movie na pagbibidahan ni Kris, “Inaayos po ang schedule. Pero tuloy pa rin po.”

Sa horror movie na pagbibidahan ni Marian Rivera, “Unexpected blessing po ito!”

May three shooting days pa si Direk Adolf para sa pelikulang My Stepmother’s Lover, na bida sina Sunshine Cruz (41st b-day today), Kiko Estrada, at Martin del Rosario.

Continue reading below ↓

Under ALV Films ito, kung saan may sisimulan siyang another film na bida naman si Gabby Concepcion.

E, iyong supernatural thriller na Urban Legends kung saan nakipag-“threesome” si Nora Aunor kina Martin del Rosario at Sebastian Castro?

“Waiting lang po for the right timing. Baka po mag-shoot pa kami ng additional,” sey ni Direk Adolf.

Sa Setyembre nakatakdang simulan ang taping ni Direk Adolf ng primetime soap sa GMA-7, na may mga eksena sa abroad.

Sa ngayon ay nakatutok si Direk Adolf sa promo ng movie niyang Madilim Ang Gabi, na kalahok sa 2nd PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino).

Bida rito sina Gina Alajar, Phillip Salvador, Bembol Roco, at Felix Roco.

May special participation dito sina (in alphabetical order) Jason Abalos, Archie Alemania, Angel Aquino, Angeli Bayani, Perla Bautista, Iza Calzado, Sebastian Castro, Manuel Chua, Alessandra de Rossi, Julio Diaz, Cherie Gil, Laurice Guillen, Ben Isaac, Angelina Kanapi, Kristoffer King, Anita Linda, William Lorenzo, Sid Lucero, Zanjoe Marudo, Jess Mendoza, Mikoy Morales, Kenken Nuyad, Kenneth Ocampo, Elizabeth Oropesa, Allan Paule, Ross Pesigan, Cherry Pie Picache, Rosanna Roces, Jeremy Sabido, Arvic Tan, Erlinda Villalobos, Cris Villonco, at Kirst Viray.

Continue reading below ↓

“They said yes dahil 30th film ko po ang Madilim Ang Gabi. All of those who worked with me from my past films,” sabi pa ni Direk Adolf.

GORGY RULA: Bebenta kaya ang pelikulang Madilim ang Gabi kung iha-highlight sa promo ang pagbabalik-acting ni Kuya Phillip Salvador?

Matagal na rin kasing hindi natin napapanood si Kuya Ipe na itinuturing na isa sa pinakamagaling na aktor.

Si Kuya Ipe nga ang mentor ni Ruru Madrid, at talagang hiningi niyang i-under sa kanya ang Kapuso young actor nang sumali ito sa Protégé.

Nakitaan na raw kasi niya ng galing si Ruru at malakas ang kumpiyansa niyang manalo ito, pero natalo siya ni Jeric Gonzales.

Pero curious ako dito sa Madilim ang Gabi dahil magsasama sila uli ni Gina Alajar, kung saan nakagawa sila ng mga classic films na Playgirl, Kapit sa Patalim, at Orapronobis.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results