Mark Neumann, gustong magkaanak bago siya tumuntong sa edad na 30

by PEP Troika
Jul 18, 2018

JERRY OLEA: Burado na sa puso ni Mark Neumann si Pastillas Girl.

Dalawang taon na ang relasyon nila ng non-showbiz GF niya mula sa Cebu, na sinamahan siya sa presscon ng pelikulang Harry & Patty noong July 16, Lunes, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC.


Magkatuwang sila sa negosyo.

Continue reading below ↓

Selosa ba ang GF niya?

“She’s really professional about it, kung may partner man ako, ganun,” sambit ni Mark.

Naiisip na ba ni Mark na magkaanak?

“Meron naman. Meron naman po!” bulalas ng pogilicious young actor.

“Kasi, magku-quarter life na po ako, di ba? Twenty-four na ako this year. So, before 30, at least, I wanna have a kid.

“Kasi, I want to raise him, di ba, and also, ayokong maging matanda. Gusto ko, kasama sa paglaki ang anak ko.”

May plano na ba silang pakasal ng GF niya?

“Not yet. Not yet,” mabilis na tugon ni Mark.

“Kasi, you need to be stable first, di ba? Kailangan talaga, mag-settle ka, mag-stable ka.

“Business o ano man.”

Gaano pa kaya katagal bago siya maging stable financially?

“I am not sure. Maybe four or five years from now,” sabi pa ni Mark, na kasama rin sa pelikulang I Love You, Hater bilang gay cousin ni Joshua Garcia.

Continue reading below ↓


GORGY RULA: Bata pa si Mark ay batak na siya sa trabaho sa Europe.

Pero simple lang ang gusto nyang ma-achieve kaya siya nag-iipon.

Gusto niyang magkaroon ng farm. Gusto lang daw niya ng simpleng buhay na nag-asikaso ng farm nya.

Happy sya sa relasyon nya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Continue reading below ↓

Pero hindi kaya nagseselos ang kanyang girlfriend sa pagkaka-link ni Mark kay Kisses Delavin?

NOEL FERRER: Talagang sumama ang non-showbiz girlfriend ni Mark sa presscon, ha!

Oh well, tama si Mark na dapat mag-aral siya ng wika at kultura ng mga Pinoy para hindi lang puro balikbayan ang role niya.

In fairness to him, maayus-ayos na ang pananagalog niya.

Kailangan lang mag-step up siya sa showbiz game in terms of acting and what he stands for.

Or he’ll go the way of Tom Babauta and Danni Vanni? Hindi naman...

Sam Milby ba ang goal? Basta dapat magmarka at maging successful!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Mark Neumann
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results