Paul Salas, dehado sa isyung sinimulan ni Barbie Imperial

by PEP Troika
Jul 18, 2018

JERRY OLEA: Pasabog ang post ni Barbie Imperial sa socmed kung saan pasa-pasa ang kanyang katawan.

Bugbog agad-agad sa bashers and haters ang ex-BF niyang si Paul Salas.



Sa isyung umbagan, madalas na dehado ang lalaki.

“Ang babae ay minamahal, hindi sinasaktan,” ikanga.

Si Barbie ay prized talent ng Kapamilya Network. Leading lady ni JM de Guzman sa teleseryeng Araw Gabi.

Continue reading below ↓

Si Paul, nagsimula sa StarStruck Kids ng GMA-7 noong 2004. Lumipat sa ABS-CBN noong 2009. Bumalik sa Kapuso Network nitong Marso 2018, at co-managed ni Perry Lansigan at GMA Artist Center.

Poprotektahan ba ng Siyete si Paul sa hidwaan nila ni Barbie?

Di ba, may mga talent si Perry na lumalabas sa ABS-CBN, sa pangunguna ni Dingdong Dantes na kasama sa MMFF 2018 movie ni Vice Ganda?

Kawawa si Paul.

Kawawa ang kanyang pamilya.

Inumpisahan ni Barbie ang payanig, pero ang kampo ni Paul ay kailangang manahimik.

Hindi hahayaan ng mga diyos-diyosan ng showbiz na masira si Barbie.

NOEL FERRER: Malamang magkakaayos na ang management ng dalawang talents na ito na ayusin na lang nila at wala na lang magsasalita.

This is very favorable sa partido ng nang-agrabyado, lalo pa’t kung backed up ito ng kanyang network.

Kawawa rito ang naagrabyado lalo pa’t sariling sikap ito at hindi mag-o-all out ang network.

Continue reading below ↓

Sa ganito rin, nagma-matter ang estado ng artista. At kung gaano sila gustong pasikatin ng network nila.

Sa ganitong pangyayari, malalaman pa ba natin ang katotohanan?

Sana.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results