Jacqueline Comes Home, kumita ng P800K sa first day nito; massacre movies, magbabalik na?

by PEP Troika
Jul 19, 2018

JERRY OLEA: Maulan pa rin nitong Hulyo 18, Miyerkules, nang magbukas sa mga sinehan ang directorial debut ni Ysabelle Peach Caparas na Jacqueline Comes Home (The Chiong Story).

Ganun pa man, ayon sa aming source ay umabot sa P800K ang first day gross ng nasabing pelikula na pinagbidahan nina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome.


Continue reading below ↓

Meg Imperial, Donnalyn Bartolome, and director Ysabelle Peach Caparas

Mas malakas kesa sa The Write Moment (nina Valeen Montenegro & Jerald Napoles) at The Maid in London (ni Andi Eigenmann).

Kasabay nitong nagbukas ang Mamma Mia: Here We Go Again, sequel na prequel, na napakanipis ng istorya.

Hindi ko ito nagustuhan, lalo pa’t irrelevant ang karakter dito ni Cher.

Sa palagay ninyo, nakatulong sa “massacre” movie ang panawagang iboykot ang Jacqueline Comes Home?

O napapanahon lang ang playdate nito, lalo pa’t nag-premiere night ito noong Hulyo 16, Lunes, ika-21 anibersaryo ng pagkidnap, paggahasa, at pagpaslang sa magkapatid na Marijoy at Jacqueline Chiong?

Kahit niluray ang JCH ng paborito kong kritiko, swak ba ito sa panlasa ng moviegoers na naghahanap ng kakaibang panoorin?

Hudyat ba ito ng pagbabalik ng “massacre” movies na tatak-Caparas?

NOEL FERRER: Ako naman, nakatakda sana akong manood kahapon ng I Love You, Hater, pero laking gulat ko na sa Rockwell mismo ay wala na ito.

Continue reading below ↓

Sana patuloy na lumakas ang suporta sa local films on the way to Cinemalaya and Pista ng Pelikulang Pilipino.

Sa tingin ko, with all the buzz and good reviews and Graded A, excited na ang sambayanan na panoorin ang BuyBust, na may premiere night sa Lunes, July 23.

Ito na kaya ang non-festival film na kikita na parang Kita Kita?

Sana.

GORGY RULA: Malamang na hindi nag-i-expect ng mataas ang Viva dito sa Jacqueline Comes Home.

Ang excited talaga sa pelikulang ito ay si Direk Carlo J. Caparas.

Proud siya sa anak na nakitaan daw niya ng potential sa pagdidirek. Kaya nga willing siyang mag-assist kay Peach.

Curious nga ako sa pelikulang ito kaya gusto ko siyang panoorin.

Gusto kong makita kung may touch of Direk Carlo J ba ang style ni Direk Ysabelle Peach o millennial na millennial ang dating.

Kailangan ko lang mag-ipon ng maraming tulog bago ako pumasok ng sinehan.

Continue reading below ↓

Ang pagkakaalam ko, meron pang gagawin si Ysabelle Peach sa Viva.

Sa kanya na kaya ipinasa ni Direk Carlo ang pagdidirek?

Gusto raw kasi ni Direk Carlo balikan ang pagsusulat ng nobela.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results