Andre Paras, planong ligawan si Mikee Quintos?; nilinaw ang pag-unfollow nila ni Kobe sa Instagram

by PEP Troika
Jul 20, 2018

GORGY RULA: May plano nga kaya si Andre Paras na ligawan si Mikee Quintos?

“Maybe. We’ll see,” nakangiting sagot ng Kapuso actor-TV host nang dinalaw namin siya sa taping ng The Clash kahapon, July 19.


Inamin niyang close talaga sila ni Mikee bago pa sila nagkasama sa Encantadia. Pero hindi pa naman daw umabot sa ligawan.

Continue reading below ↓

Sabi ni Andre, “Close kami ni Mikee, lumalabas kami with friends o pag minsan pag free siya, kaming dalawa lang.

"So, it’s really fun to be with Mikee. Kasi parang wala kang problema pag kasama mo siya.” sabi ni Andre.

Medyo abala lang daw siya ngayon sa trabaho lalo na’t nagi-enjoy siya bilang Clashmate o online host kasama si Joyce Pring sa The Clash.


Continue reading below ↓

Andre Paras and Joyce Pring

Pero kung sakaling maging sila ni Mikee, kailangang nagkakaintindihan daw sila pagdating sa trabaho.

“As of now, we made it to the point na basta pag magka-relationship, dapat may understanding in line of work,” dagdag niyang pahayag.

Sinagot na rin ni Andre ang duda ng iba na hindi sila okay ng kapatid niyang si Kobe Paras.


Continue reading below ↓

Nagkamali lang daw sila dahil nag-unfollow sila sa kanilang Instagram account, dahil mayroon na nga raw silang private account.

Sabi niya, “We follow each other private accounts. Kasi uso na kasi ngayon, e.

"Iba yung work ko o mga high school friends ko, dun na lang kami nagpu-post ng mga everyday happenings namin o mga ano.

"So, dun na lang kami.

“Na-confuse kasi kami bakit dalawa account namin. Minsan dun napu-post sa kabila or what.

“Kaya sabi ko, ako na ang bahalang mag-explain.

"E, nung nalaman niya, 'ooops mistake rin.' Pero it’s honest mistake.

“Kobe and I are okay, which is talagang dapat lang.”

Suportado rin daw nila ang paglipat ni Kobe sa UP at naging miyembro na ito ng basketball team na UP Fighting Maroons.

“We’re very proud. He told us also.

"Of course, we’re not gonna interfere with his decision kasi proud naman kami sa kanya.

Continue reading below ↓

"Tapos at least makapag-aral siya.

"Yun nga, at the same time, study and basketball. It’s good kasi he’s gonna be here in the Philippines,” saad ni Andre.

Excited si Andre sa The Clash ngayong weekend dahil mula sa 62 Clashers, natira ang 32 at maglalaban laban sila para maiwan sa 16 survivors.

30 ang maglalaban-laban at maghihintay ng kapalaran nila kung mapapabilang ba sila sa 16 Clashers.

Bukas, July 21, iyan pagkatapos ng Pepito Manaloto at sa Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.

NOEL FERRER: So, sila ba talaga ang nagkakadebelopan, Tito Gorgy?

So, wala lang pala yung nakita ng ating bubuwit na pagkakamabutihan nina Andre at Rhian Ramos naman.

Dati, napagkakamalian ko si Andre kay Raymond Gutierrez lalo pa’t pareho silang naghu-host.

Buti na lang may beard na distinguishing mark si Andre na mukhang mas malusog sa screen kaysa sa fit na fit na si Raymond.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Makakatulong sa career ni Mikee kung ma-link siya kay Andre.

Sa 2016 remake ng Encantadia ay gumanap si Mikee bilang Lira, na unang ginampanan ni Jennylyn Mercado.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin maramdamang sikat si Mikee.

Tila kakabugin pa siya ni Kyline Alcantara, huh?!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results