Donnalyn Bartolome, sinisi ang Viva dahil sa mga batikos na natatanggap ng Jacqueline Comes Home

by PEP Troika
Jul 21, 2018

NOEL FERRER: Sa gitna ng matinding ulan, inuulan din ng matinding batikos ngayon ang pelikulang Jacqueline Comes Home.

Ang sabi ng isang kinikilalang reviewer na si Atty. Oggs Cruz, “It reeks of desperation. It hides underneath religion.

"It cowers behind simplistic characterizations, utilizing black-and-white and often unrealistic depictions of villains and heroes that are more suited for soap operas than controversial true stories.

"It mooches for sympathies, relying on cardboard cutouts to stand for living and breathing human beings whose innate complexities and motivations have given rise to the necessary public debate that surrounds the Chiong narrative.”

Paglalagom pa niya, “Simply put, Jacqueline Comes Home is perverted and god-awful. It is best ignored unless one has a stomach for cinematic ignominy.”


Continue reading below ↓

Jacqueline Comes Home stars Meg Imperial and Donnaly Bartolome and director Ysabelle Peach Caparas

Kasabay nito, ang lead star ng pelikula na si Donnalyn Bartolome ay patuloy pa rin sa pagsagot sa backlash ng mga nagtatanong kung nag-research ba siya sa pelikula bago niya ginampanan ang role.

She called out Viva for supposedly leading her to believe that the movie would end differently.

Sabi kasi ni Donnalyn, pinagkatiwalaan niya ang team behind the film kahit hindi sa kanya sinabi kung ano ang ending, dahil ang source daw ay ang nanay ni Jacqueline Chiong mismo.

'Tapos, she called out Viva for uploading the "Ano’ng ganap?" video, saying they should take care of their talents.

“I am so tired taking all the blame tapos di niyo pa iningatan inupload niyo pa ito not thinking mamisunderstand ng mga tao. Dapat iningatan kami kung ayaw man sabihin sa aming mga artista ang ending,” sabi ni Donna.

Continue reading below ↓

Ngayon, bakit siya lang ang concerned at nag iingay?

Nasaan si Meg Imperial or si Joel Torre, Alma Moreno o Ryan Eigenmann na kasama rin sa pelikula?

Sa tingin niyo, makakatulong ang ingay na ito sa curiosity ng tao para mapanood ang pelikula, at dumagdag naman sa tila binagyo ring box-office results?

JERRY OLEA: Kontrobersyal ang unang pelikula na idinirek ni Ysabelle Peach Caparas.

‘Tsura ng unang massacre movie na idinirek ng ama niyang si Carlo J. Caparas, ang The Vizconde Massacre: God, Help Us! (1993).

Nakatulong ang kontrobersiya upang kumita ang nasabing massacre movie na pinagbidahan ni Kris Aquino.

Lalo kayang maku-curious ang moviegoers na panoorin ang pelikula nina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome na tatak-Caparas?

GORGY RULA: Nung Huwebes, July 19 napakinggan ko sa Aksyon radio program ni Raffy Tulfo.

Tinutuligsa rin niya ang naturang pelikula. Hindi raw nag-stick sa totoong kuwento.

May mga ekseana raw na ginawa lang cinematic para sa pelikula, hindi para ilahad ang buong katotohanan ng kaso ng Chiong Sisters.

Napanood daw niya noon ang documentary film na Give Up Tomorrow at puring-puri niya ito.

Continue reading below ↓

Ang pagkakaalala ko lang sa docu film na ito ay ipinalabas ito sa Cinemalaya at pinuri ito ng mga nakapanood.

Diretsahang sinabi ni Raffy na mas mabuting yung documentary film na lang daw ang panoorin at huwag nang pag-aksayahan ng panahon itong pelikulang idinirek ni Ysabelle Peach.

Sana mahingan natin ng pahayag si Direk Ysabelle para mabigyan naman siya ng pagkakataong maipaliwanag kung bakit nagawa niya ang pelikulang iyun.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results