Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Gabby Concepcion at Jodi Sta. Maria, magtatambal sa movie remake ng Gulong ng Palad

by PEP Troika
Jul 22, 2018

NOEL FERRER: Kahit umuulan, tuloy na tuloy ang story conference at script reading ng 2018 version of classic na Gulong ng Palad, na gagawing pelikula ng premyadong si Direk Laurice Guillen with the new Luisa (Jodi Sta. Maria) at Carding (Gabby Concepcion) under CineKo Productions.


Continue reading below ↓

Kasama rin sa stellar cast sina Amy Austria, Edgar Allan Guzman, Ina Feleo, Denise Laurel, Francis Magundayao, at
at Angel Ulep.

Bukod sa pagiging hit radio series sa DZRH at TV series naman noong 1977, naging teleserye rin iyan sa Kapamilya network noong 2006 starring Kristine Hermosa at TJ Trinidad.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang kakatwang trivia rito ay ang role ni EA Guzman na si Totoy ay ginampanan noon ng kaibigan at co-actor niyang si Joross Gamboa.

Exciting din kung paano gagawing absorbing family drama ito ni Direk Laurice in the tradition of her award-winning film na Tanging Yaman (2000).

JERRY OLEA: Kakaibang kumbinasyon ang Jodi-Gabby.

Interesting panoorin ang kanilang chemistry.

I wonder kung maigting ang pulitika sa bersiyong ito, o mas pagtutuunan ang drama ng sandamukal na pagsubok at pagdurusa, ngunit sa huli ay tagumpay at katiwasayan ang kanilang nakamit.

GORGY RULA: Matagal ang pre-prod nitong Gulong ng Palad, huh!

Sabi ni Amy Austria, nung January pa siya sinabihan ni Direk Laurice.

Continue reading below ↓

Saka magkakasunod din kasi ang pelikula ng Cineko na di gaanong kumita. Kaya kailangan nilang paghandaan nang mabuti itong Gulong ng Palad. Sana makabawi na rito ang Cineko.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results