Sandino Martin, itinangging nag-isnaban sila ng dating co-star na si JC Santos

by PEP Troika
Jul 22, 2018

JERRY OLEA: Nagulat si Sandino Martin sa intrigang nag-isnaban sila ni JC Santos sa red carpet ng 41st Gawad Urian noong Hunyo 14 sa ABS-CBN Vertis Tent.


“Ang sabi nila, red carpet, e, hindi naman kami nagkita sa red carpet!” bulalas ni Sandino nang makausap namin sa event ng Kasuso Foundation nitong Hulyo 22, Linggo ng hapon, sa East Avenue Medical Center, QC.

Continue reading below ↓

“Nagkita kami sa backstage. Nagyosi kami kasama sina Meryl, sina Paolo Ballesteros.

“So, medyo nagulat ako na... saan galing iyon?

“Hindi ko po maalala na hindi kami nagpansinan. Pagkakaalam ko, nagyosi pa kami together.

“Nanghiram pa ako sa kanya ng lighter. Mga ganun!” sabi pa ni Sandino, na kasama sa Kapamilya teleseryeng The Blood Sisters.

May naka-line up na sa kanyang next movie. Abala rin siya sa pagpapaayos ng bahay nila sa Novaliches.

Masaya si Sandino na nakapagpasaya ng breast cancer patients na tinutulungan ng Kasuso Foundation.

“Minsan lang ito ginagawa, kaya kapag naging part ka, naise-share mo ang kung ano mang blessings na meron ka,” sambit ni Sandino.

Punong-abala sa nasabing event si Ogie Diaz, co-star ni Sandino sa The Blood Sisters, at member ng Board of Trustees ng naturang foundation.

Dumalo rin sa event sina Erich Gonzales, Enchong Dee, Hopia, Jelly Joyce, at Jeffrey Gonzales.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Hindi rin ako makapaniwala sa balitang iyan pero mismong Manunuri member daw ang nakakita.

Well, sabi naman, dati nang magkaibigan sina Sandino at JC lalo pa’t mga struggling actors pa sila noon sa teatro.

Actually, naging close din pala si Sandino sa director-manager ni JC na si Andoy Ranay, kaya they really go around the same circles.

Magaling ding aktor si Sandino. Sana marating at makuha rin niya ang swerte ni JC Santos sa kanyang mga break.

GORGY RULA: E, ano naman kung nag-isnaban o di nag-isnaban sina JC Santos at Sandino Martin?

May concern ba sa kanila ang madlang people?

Ang mahalaga, nagkaayos na sina Kris Aquino at Vice Ganda!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results