Erich Gonzales, nagpaka-stuntwoman sa action film na We Will Not Die Tonight

by PEP Troika
Jul 23, 2018

JERRY OLEA: High-octane ang pag-aaksyon ni Erich Gonzales bilang stuntwoman sa pelikulang We Will Not Die Tonight, isa sa walong feature-length films na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 (Agosto 15-21).

“Lahat po [ng action scene], mahirap, kasi first time ko pong makagawa ng isang action-suspense-thriller na pelikula,” matamang sambit ni Erich nang makausap namin nitong Hulyo 22, Linggo ng hapon, sa event ng Kasuso Foundation sa East Avenue Medical Center, QC.

“At gusto ko rin pong ma-experience ang paggawa talaga ng ganung klaseng film.”

Nagkasugat-sugat ba siya sa shooting?

“Given na po iyon, siyempre laging may sugat,” nakangiting lahad ni Erich, na co-producer ng movie.

“May pasa, lahat. Bukol! That’s given na po, and walang complaints, basta maging maayos ang pelikula.”

Ano ang matindi niyang action scene?

“May elevator scene, yun po. Merong hagdanan scene. Halos lahat po, puro aksyon, puro takbuhan.

Continue reading below ↓

“Patayan, dugo, lahat!”

Naikukumpara ang pag-aaksyon niya kay Anne Curtis, na astig din sa pelikula nitong BuyBust (opening film ng Cinemalaya 2018 filmfest).

“Sabi ko nga po, nakakatuwa din na nabibigyan ngayon ng chance yung kababaihan na maging bida naman,” lahad ni Erich.

“So it’s nice na nabibigyan po tayo ng chance. Sana po, suportahan nila.”

Bongga ang pagsuporta ni Erich sa event ng Kasuso Foundation, sa paanyaya ng co-star niya sa The Blood Sisters na si Ogie Diaz.


Continue reading below ↓

Tuwang-tuwa ang mahigit 100 babaeng may breast cancer sa pasiklab ng tatlong karakter niya sa teleserye na sina Agatha, Carrie, at Erika.

Magiliw na nagpalitrato, nakipagkamay, yumakap at nagpahalik si Erich sa mga pasyente.

Wala siyang kasamang tagahawi kaya tuwang-tuwa sa kanya ang mga tao.


“Nakakataba po ng puso na makita sila, na makapagbigay po tayo ng konting kasiyahan sa kanila, kahit sa maikling oras,” mabining pahayag ni Erich.

Continue reading below ↓

“Sana po, magpatuloy pa yung mga taong tumulong sa kanila.”


Katuwang ni Ogie sa pag-organize ng event si Jeffrey Gonzales, at nakisaya rin doon sina Enchong Dee, Sandino Martin, Jelly Joyce & Makki, Ameera Johara, EB Babe Hopia, at That’s My Bae Tommy.

Continue reading below ↓


NOEL FERRER: Parang in ngayon ang mga actresses na nag-a-action, like Anne Curtis in BuyBust.

Bilib ako sa mga katulad nila ni Erich na nangangahas gumawa ng mga action routines and stunts na mapangahas at tunay namang nakakamangha.

Sana nga marami ang makapanood ng pelikula nila kapag palabas na sa sinehan.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Sabi ni FDCP Chairperson Liza Diño, gusto talaga nilang may makapasok na aksyon sa PPP, at itong entry ni Direk Richard Somes ang napili.

Gusto rin ng ilang producers na mabalik uli ang aksyon sa local movie industry dahil matagal nang nagpahinga ang  action stars.

Si Coco Martin lang ang nag-aaksyon sa TV, pero wala pa sa pelikula.

Sana nga masundan pa ito kapag mag-hit sa takilya itong kay Erich, pati ang BuyBust ni Anne.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results