SONA 2018: GMA, bagong House Speaker; Heart Evangelista, Best Dressed

by PEP Troika
Jul 23, 2018

NOEL FERRER: Kung Best Dressed sa red carpet ang pag-uusapan, hands down, we have to give it to Heart Evangelista-Escudero with her on-point white ensemble.

Mapa kaninang umaga sa Senado o sa mismong SONA sa hapon, simpleng elegante ang suot at dating ng asawa ni Senator Chiz Escudero.

Ganun din ang review sa asawa ni Senator Sonny Angara na si Tootsy Angara.

Ang pagkakapareho nila, pati na si Senator Risa Hontiveros ay suot nila ang Rainbow Pin na nagtutulak ng LBTQ Equality Bill.

Kaya maraming beki ang natuwa sa kanila dahil pagkatapos ng SONA, sabi nila, “at 8pm 23rd July, whether the President’s SONA speech is done or not, the LGBT+ community is orchestrating a massive call out for LOVE in support of the SOGIE Equality Bill or otherwise known as the ANTI-DISCRIMINATION Bill.

"If this bill, which has passed the Lower House, fails to be included in the Senate’s agenda before the midterm elections, it sleeps and goes back to zero.

Continue reading below ↓

"At 8PM today, we hope you could support the community by crafting your own love letters to our senators, or narrating your personal testimony."

Todo na ang suporta nina Senators Escudero, Angara at Hontiveros dito. Sana dumami pa ang sumuporta para rito.

JERRY OLEA: Madrama ang SONA 2018: Tatak ng Pagbabago!

Bago nag-umpisa, may bago nang Speaker of the House... si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.


Continue reading below ↓

Maalab ang pulang gown ni GMA... kulay dugo, gaya ng suot ng mag-inang Congresswoman Imelda & Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

NOEL FERRER: Oo nga, hindi tuloy napirmahan ng Presidente ang napakahalagang Bangsamoro Basic Law pagkatapos maaprubahan ng Senado dahil inuna nila ang pagpapalit ng Liderato.

Meron pang consistent na errors State of Communications sa mga ipinamigay sa mga taga-media, ano kaya ang paliwanag rito ni Secretary Martin Andanar?


Continue reading below ↓

Mukhang nasasanay na tayo sa ganito. Wag naman sana.

Pampelikula nga raw ang mga plot twists and turns ng SONA ni Direk Joyce Bernal.

May comedy rin nang i-punchline ni Senator Nancy Binay ang sarili niya mismo na “kakulay ko ang carpet.”

My God, pati comeback ni Ate Glow na ngayo’y Renee Hampshire na ay pinag-uusapan na rin!

Pati ba ang pagbabalik ng mga Marcoses, nakaamba na rin?

Ito na nga ba ang ating State of the Nation?

JERRY OLEA: 48 minuto ang ikatlong SONA ni Du30.

Nagsimula ito nang 5:21 p.m., at nagtapos nang 6:09 p.m.

Mostly in English ang kanyang talumpati.

Walang pagmumura.

Sa chargen, nagkamali ng spelling ng “institutionalize” pero nakorek iyon agad-agad.

Sa ending, instrumental ang background music.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results