Pagbisita ni Willie Revillame kay Josh, hudyat ng pagpasok ni Kris Aquino sa GMA-7?

by PEP Troika
Jul 23, 2018

JERRY OLEA: Masayang-masaya si Joshua Aquino nang dalawin siya ni Willie Revillame sa bahay nitong Hulyo 23, Lunes nang 2 p.m.


“Hi, Tito Willie!” pagbati ng panganay ni Kris Aquino.

Agad kinanta ni Josh ang mga paborito niyang awit ni Kuya Will.

May pasalubong si Willie na CD, at blue jacket na isinuot agad niya kay Josh.

Continue reading below ↓

Isinakay pa ni Willie si Josh sa kanyang Ferrari!

Hmmm, pahiwatig ba ito na matutuloy na ang project together nina Kris at Willie?

Kapwa pa sila Kapamilya nang lumutang ang posibilidad na iyon.

Nitong Kapuso na si Willie, lumutang din na makakasama niya si Kris sa game show niyang Wowowin ngunit naudlot iyon.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Ang alam ko ay masinsinang nag-usap ang dalawa kung paano maisasakatuparan ang pagpasok ni Kris sa Kapuso network through the help of Willie.

Sana mangyari na nga ito.

Good deed at puno ng good will ang naganap ngayon kina Willie, Joshua, at Kris.

Sana may magandang balik ito sa kanila.

GORGY RULA: Parang hindi pa nagpu-promote si Kuya Phillip Salvador sa PPP entry nila ni Gina Alajar na Madilim ang Gabi.

Iyon sana ang gusto kong itanong sa kanya kung puwede ba siyang dumalaw kay Joshua, at kung siya pa rin ba ang kinikilalang ama kahit hindi dala ang apelyido nito.

Kasi kung nakakadalaw si Willie, malamang pwede naman siyang dalawin ni Kuya Ipe.

May time pa kaya siya para kay Joshua?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results