Hashtags Nikko Natividad at Ryle Santiago, di nakikipag-cooperate sa promo ng Bakwit Boys?

by PEP Troika
Jul 24, 2018

GORGY RULA: Napansin na sa pangalawang presscon ng pelikulang Bakwit Boys ang absence ng Kapamilya talents na bida sa naturang pelikula.

Ang Hashtags members na sina Nikko Natividad at Ryle Santiago ang tinutukoy namin, pati ang finalist sa "Tawag ng Tanghalan Kids" na si Mackie Empuerto.


Continue reading below ↓

Vance Larana, Devon Seron, Mackie Empuerto, Nikko Natividad, and Ryle Santiago

Sa unang presscon nito noong July 12 ay sina Vance Larena at Direk Jason Paul Laxamana lang ang nakadalo.

Sa pangalawang presscon nito kahapon, July 23, ay nandun pa rin sina Vance at Laxamana, at nadagdag si Devon Seron at ang composer ng soundtrack nito na si Jhaye Cura.


Continue reading below ↓

Vince Larana, Devon Seron, director John Paul Laxamana, and composer Jhaye Cura

Ang sabi ng ilang staff, may It’s Showtime daw kasi sina Nikko at Ryle.

Pero sa totoo lang, kung willing kang maging bahagi sa promo, puwede talagang magawan ng paraan.

Napangiti na lang ang producer nitong si Mr. Rex Tiri ng T-Rex Entertainment nang tinanong namin sa open forum ng presscon kung wala nga bang kooperasyon ang mga nabanggit na Kapamilya talents sa promo ng pelikula.

Sabi ng host ng naturang presscon, tiyak daw na makukumpleto ang buong cast sa launch ng original soundtrack nito na naka-schedule sa August 3 sa Saguijo Café and Bar Events Place.

Sina Nikko, Ryle, Vance, at Mackie ang gumaganap na mga miyembro ng banda sa kuwento ng naturang pelikula na tinawag nilang Bakwit Boys.

Inaasahang makakadalo na sila para mabuo ang bandang magpi-perform sa launch nito. Parang mini-concert daw nila ito para lalong ma-promote ang pelikula.

Continue reading below ↓

Kakantahin nila ang anim na mga awiting nilikha ni Jhaye Cura na nakapaloob sa pelikula.

Isang romantic musical itong Bakwit Boys, na malapit kay Direk Jason Paul dahil ibinase raw niya ito sa kuwento ng buhay ng mga kabataang tinulungan niya noon sa Pampanga para makabuo ng isang banda.

“Siguro ten years ago, very active ako noon sa pakikipag-collaborate saka pagtulong sa aspiring musicians na gustong matupad ang mga pangarap nila.

“This film is sort of like my tribute to that phase of my life,” pahayag ni Direk Jason Paul.

Ang Bakwit Boys ay isa sa walong entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula na sa August 15 hanggang 21.

JERRY OLEA: Musical ang pelikulang Bakwit Boys.

Tampok dito ang anim na orig na kanta ng singer-songwriter na si Jhaye Cura, na nakabase sa Tarlac.

Iyong presscon ng Bakwit Boys nitong Hulyo 23, Lunes, sa Limbaga 77 restaurant, ay nakatuon sa pagiging musical ng pelikula.

Continue reading below ↓

Sa istorya, gitarista ang karakter ni Hashtag Ryle, samantalang composer si Hashtag Nikko.

Wala man sina Ryle, Nikko, at Mackie sa presscon, nandoon sina Mark Oblea (kumanta ng pop version ng "Fiona") at Sean Oliver (kumanta ng pop version ng "Ligtas Ka Na").

Kung hindi pa ninyo alam, ang salitang “bakwit” ay Filipinized term para sa “evacuate.”

Magkakapatid na evacuees mula Isabela ang papel dito nina Vance, Nikko, Ryle, at Mackie.

Tumira sila sa kanilang lolo sa Pampanga, at doon nabuo ang banda nila na tinaguriang Bakwit Boys.

Dahil sa musika ay gumaan ang treatment ni Direk Jason Paul Laxamana sa pelikula.

Ani Direk Jason Paul, “Ganun kasi ang effect ng music sa akin. It somehow cushions the negative things that we’re experiencing.

“So, parang I wanted to translate that cushion effect dito sa pelikula.”

Integral sa istorya ang mga kanta at hindi basta isinalaksak.

Continue reading below ↓

Ilulunsad ang OST ng Bakwit Boys sa Agosto 3 ng 9 p.m. sa Saguijo Cafe and Bar Events Place.

Sa halagang P250, matutunghayan dito ang OPM acts na Autotelic, Clara Benin, Munimuni, Sean Oliver, Shirebound and Busking, and Rusty Machines sa renditions nila ng Bakwit Boys song.

Front act ang indie folk band na Fools and Foes.

Magiging available din for download sa Spotify at iba pang digital music stores ang nasabing OST.

NOEL FERRER: After Larawan in the MMFF, and Mamma Mia 2 which is playing in the theaters now, here comes Bakwit Boys.

Musical din pala ang Ang Panahon Ng Halimaw ni Lav Diaz.

Musical films really need to be promoted differently para maging mas familiar ang mga kanta at mapalapit pa ito sa viewing public.

Good luck sa Bakwit Boys.

Napakabait ng producer nito, sana makabawi ito sa kanyang investment sa kakaibang pelikulang ito.

Sana naman maging mas masigasig ang cast nito sa pagpop-romote ng project nila. Kailangan talaga, e.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results