Bida at kontrabida sa teleserye, nagkumprontahan sa loob ng CR

by PEP Troika
Jul 24, 2018

JERRY OLEA: Mistulang urban legend na ang pagtutuos ng dalawang aktres sa set ng isang teledrama.

Dinalaw ng sikat at magandang aktres ang beloved niyang aktor sa taping nito.

Ang chika, hinila ni sikat at magandang aktres ang baguhang aktres na katambal ng kanyang beloved patungo sa CR para mag-usap sila nang heart-to-heart.

Face-to-face, silang dalawa lamang.

Nilinaw ni sikat at magandang aktres kay baguhang aktres ang bulung-bulungan na nilalandi nito ang kanyang soulmate.

Ilang taon na ang nakaraan sa kaganapang iyon.

Three weeks ago, may kahawig na eksena ang paghaharap sa CR habang nagaganap ang isang noontime show.

Sangkot dito ang dalawang baguhang aktres—ang bida at kontrabida ng isang prime time program.

Pakiwari ng bida, epal ang kontrabida sa buhay niya.

Na inagaw nito ang endorsement niya sa isang produkto.

Na ito ang dahilan kaya naghiwalay sila ng young actor na BF niya ng apat na taon.

Continue reading below ↓

Aaminin kaya ng dalawang baguhang aktres na may silent war sila?

O gagayahin nila ang naunang CR beauties na hanggang ngayon ay walang diretsahang pag-amin sa maigting na confrontation?

NOEL FERRER: Woman’s intuition ba ang tawag dun or is it pure jealousy?

Sabi naman ng iba, when there's smoke there’s fire.

Pero is it all worth it—ang ganitong mala-teledramang confrontation scene?

Parang art imitates life or vice versa.

Sa ganitong mga sitwasyon, sino ang nagwawagi? Parang wala.

Sa huli’t huli, siguro pinagsisihan din ng dalawang set ng lovers na ito ang nangyari—for not taking the high, more dignified road.

Pero who knows, baka kailangan lang din nila ng outlet at that time.

Oh well, at least now, they know better.

GORGY RULA: Naku! Huwag na natin buhayin ang matagal nang nakabaong kuwento.

Pero itong sa dalawang baguhang aktres, huwag sanang lumala pa ang isyu nilang dalawa.

Continue reading below ↓

Kung totoo man ito, dapat ayusin sila ng kani-kanilang manager bago pa ito lumaki.

Naisip ko tuloy, panay ang pa-acting workshop sa mga bagong talents.

Sana, i-workshop din sila ng tamang pag-uugali, pakikisama sa ka trabaho, professionalism at kung paano kaya mag-handle ng success?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results