Yen Santos, bakit umiyak sa presscon ng Halik?

by PEP Troika
Jul 24, 2018

JERRY OLEA: Napaiyak si Yen Santos sa mediacon ng teleseryeng Halik nitong Hulyo 24, Martes ng hapon, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC.

Patapos na ang Q&A nang ilahad ni Yen naka-relate siya sa karakter niya sa palabas bilang isang babaeng kulang sa pagmamahal.

Napaluha si Yen at natigil sa pagsasalita.

Tumayo ang katabi niyang si Jericho Rosales at inalo siya.


Continue reading below ↓

Pagbibiro ni Ogie Diaz na host ng mediacon, “Si Sam [Milby] kasi, kinain [ang lips ni Yen]! Nangangain ka kasi, Sam, eh!”

Hinaplus-haplos din ni Ogie ang likod ng dalaga, “O, anyway, Yen, bakit naiyak ka, Yen?”

Paliwanag ni Jericho, “Yen’s character is really a picture of a girl na talagang may suffering na pinagdadaanan.

“To give you clarity, how to identify the character... yung character ni Yen is the picture of a person, parang you know, that’s dealing with suffering her entire life, OK.”


Continue reading below ↓

Sa Agosto 13 mag-uumpisa sa ABS-CBN Primetime Bida ang Halik, pagkatapos ng Bagani.

Ito ang kapalit ng Since I Found You.

NOEL FERRER: Naku, mahilig talaga ang kaibigan nating Direk Ruel Bayani, unit head ng Halik, na magpahirap ng mga artista niya but to a good end.

Tumatagal at tumatatak ang nga ginawa ni RSB na mga soaps, pero may pagka-risque at pagka-adult.

Continue reading below ↓

Kayang-kaya iyan ni Yen. Challenge iyan sa kanya at hindi na lang magpapa-sweet katulad ng movie nila ni Piolo.

I’m sure mas kikilalanin siya rito sa teleserye with Echo and Sam.

Good luck!

GORGY RULA: Yung pag-iyak ni Yen, ayoko na lang magkomento kasi baka hindi niyo magustuhan. Parang ang sama ko na.

Sana kayanin nitong Halik ang Inday Will Always Love You, na kahit marami ang umaarko ang kilay sa takbo ng kuwento ay consistent na mataas ang rating.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results