Jericho Rosales, hindi kumportable sa titulong Asian Drama King

by PEP Troika
Jul 24, 2018

JERRY OLEA: Ipinagmamalaki ng ABS-CBN si Jericho Rosales bilang Asian Drama King.

Bentang-benta kasi sa iba’t ibang bansa sa Asya ang mga teleserye niya, mula sa Pangako sa ‘Yo (Nobyembre 2000 hanggang Setyembre 2002) na pinagbidahan nila ni Kristine Hermosa.


Ano ang pakiramdam niya sa nasabing taguri?

Continue reading below ↓

“Naiinis ako!” bungisngis ni Echo (palayaw ng aktor) na himig-nagbibiro nang mainterbyu namin sa mediacon ng teleseryeng Halik nitong Hulyo 24, Martes ng hapon, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC.

“Hindi. Hindi ako naiinis. I take it back. Hindi ako naiinis. I just feel uncomfortable.”

Bakit hindi siya comfortable?

“I don’t like titles,” mabilis na tugon ng simpatikong aktor.

“Balang araw, bigla na lang may papalit sa ‘yo. I don’t like that. I don’t like that!”

Naku! Kanyang-kanya ang title na ‘yon. Ibang title ang ipapataw sa iba. Hindi ‘yon maaagaw sa kanya.

“I’m not saying, ‘Don’t call me. Don’t call me that.’ Kung gusto nila akong tawagin na ganun...

“But I will never say, ‘Hey! Hi! I’m Asian Drama King!’ Hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya, e!

Continue reading below ↓

“Well... Direk Ruel [Bayani] came up with ano... you know naman, mahal na mahal ako ni Direk!” natatawang lahad ni Jericho.

“But, you know, ahmm... I thank everyone, I thank ABS-CBN for the opportunity.

“Kasi, yung projects na lumalabas, di ba? And I feel na... it’s a great responsibility, ako yung inaano, e.

“Kailangan, may global appeal ang gagawin namin. So, I just focus more on that.

"Yung wide na... yung palawak na palawak na market, more than the title."

Masaya si Jericho na siya ang pambenta ng Kapamilya Network sa international scene.

“Siyempre, masarap yung feeling,” matamis na pagngiti ng pogilicious actor.

“Because you know why, I get to work on projects that... siyempre, iba yung feeling na naggo-global yung project.

“Number 2, I have the opportunity to work with non-Filipino actors, di ba? Non-Filipino production, di ba?

“I get to sing for.... Ngayon, pupunta ako ng Thailand. Magpe-perform ako. Kasama ko si Maja [Salvador], si Daniel [Padilla]... end of the month, 31st.

Continue reading below ↓

“So, parang palapit ako nang palapit sa mga pangarap ko, you know, na mas malaki yung audience.”

Sa Agosto 13 magsisimula ang mapangahas na teleseryeng Halik sa ABS-CBN Primetime Bida.

Good for seven weeks airing na ang nai-tape nilang episodes.

Nasa cast din ng Halik sina Yen Santos, Sam Milby, Yam Concepcion, Amy Austria, Alan Paule, Precious Lara Quigaman, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Almira Muhlach, Christian Bables, Hero Angeles, Chai Fonacier, JC Alcantara, Jane de Leon, at Gab Lagman.

Sina Cathy Camarillo at Carlo Po Artillaga ang mga direktor ng Halik, na nasa ilalim ng business unit na pinamamahalaan ni Ruel S. Bayani.

NOEL FERRER: Aside from that title, pinayagang mag-excuse sa taping ng teleserye si Jericho bukas, July 25, dahil tatanggap siya ng award sa New World Hotel bilang isa sa mga "Men Who Matter" ng 2018 ng People Asia.

Kaya nga may global appeal si Echo kahit sa mga award.

Continue reading below ↓

Malapit si Echo sa akin dahil matalik siyang kaibigan ng alaga nating si Ryan Agoncillo sa kanilang motoring group na “Brappack.”

Kahit ang mga asawa nilang sina Kim Jones at Judy Ann Santos ay magkabaigan din; kasama na sina Suzi Entrata at Paolo Abrera, Drew at Iya Villania, at iba pa.

Iba ang samahan nila at lampas yun sa showbiz assignments nila.

Super busy din si Echo dahil maliban sa Halik, ginagawa rin niya ang pelikula The Lady In The Orange Dress na entry ng Quantum Films sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Mukhang masuwerte naman siya sa MMFF entries na Siargao and Walang Forever kaya mataas din ang expectations artistically and box-office wise sa kanyang entries.

Bravo Echo!

GORGY RULA: Sa totoo lang, hindi lang si Jericho kundi marami pa sa ating mga aktor at aktres na puwedeng mamayagpag hindi lang sa Asian countries kundi pati sa ibang bansa.

Continue reading below ↓

Nabanggit ng isang kaibigan na mabenta rin daw ang Filipino films natin sa Costa Rica at gustung-gusto raw nila roon si Dina Bonnevie dahil napapanood nila ang mga dating pelikula ng aktres sa Viva Films.

Di ba, pati sina Dingdong Dantes, Tom Rodriguez, at Mikael Daez ay nakilala na rin sa Thailand at sa ibang Asian countries dahil napapanood na rin doon ang ilang drama series ng GMA-7?

Pero waging-wagi talaga ang Pangako Sa ‘Yo ni Jericho.

Habang tumatagal, lalong gumagaling si Echo at magaganda ang projects na napupunta sa kanya.

Pagdating sa personal na buhay, sana magka-baby na sila.

Bakit nga ba hindi pa nabubuntis si Kim Jones?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results