Robin, Iza, Amy, Mariel sabay-sabay nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN

by PEP Troika
Jul 24, 2018

NOEL FERRER: Short and sweet ang naging contract signing (actually renewal) ng Kapamilya talents na sina Robin Padilla, Mariel Rodriguez-Padilla, Amy Perez, at Iza Calzado kaninang umaga, July 25, sa 9501 restaurant.

Kasama sa contract signing ang lahat ng bosses ng ABS-CBN: President Carlo Katigbak, Chairman of the Board Mark Lopez, Senior VP and Broadcast Content Head Cory Vidanes, and Entertainment TV Head Laurenti Dyogi.


Continue reading below ↓

Maaga at masaya ang naging pananghalian dahil kinailangang bumaba sina Amy at Mariel para sa It's Showtime, na ang special guest pala ay ang boxing champ na si Senator Manny Pacquiao.

Nakakatawa at nakakaaliw ang naging usapan dahil aside from their specific assignments sa Kapamilya network, nasentro ito sa organic na supplement for men na iniendorso ni Robin.

Para raw mataas ang energy lagi, kailangan ng Brrrrroooom Brrrrroooom na siyang tagline ng iniinom at pinatotohanan ni Robin.

Biro tuloy sa kanya, “Baka kaya dahil sa Broom Broom kaya hindi siya makalimutan ng mga naging karelasyon niya.”

Tawanan nang tawanan ang lahat at kinakantiyawan sina Robin at Betchay Vidanes na sana ay ang giveaway nila lagi ay ang pang-Brooom Broooom.

After ng contract signing, tuloy si Robin sa Star Cinema at sinabi sa aming iba muna ang partner ni Sharon Cuneta for the movie this year.

Nangiti lang ako. Brooom Brooom.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Basta mahusay at talentado, may kalalagyan sa industriya.

Kahit nalalapit na ang kasal ni Iza, hindi siya pakakawalan ng mga Kapamilya.

Bagama’t nag-TV5 sina Robin, Mariel, at Amy, ABS-CBN ang kanilang tunay na pugad na laging babalik-balikan.

Mabuhay kayo!



GORGY RULA: Magiging limitado na kaya ang projects ni Iza kapag Mrs. Wintle na siya?

Continue reading below ↓

Kasi pagkatapos ng wedding, sana karerin na nila ni Ben ang magka-baby.

Inaasahan ding mabigyan ng magandang drama series si Robin at wala na muna sana yung mga judging sa mga talent-reality show.

Sana mabigyan siya ng magandang proyekto kung saan makapag-action siya nang bonggang-bongga.

Saka siguro okay naman kung mag-acting workshop na rin siya, di ba?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results