Jacqueline Comes Home director, nanindigang nag-research sila nang husto para sa pelikula

by PEP Troika
Jul 24, 2018

GORGY RULA: Bukas, July 25, ay isang linggo nang showing ang controversial film na Jacqueline Comes Home.

Medyo humupa na ang isyu sa naturang pelikula na tumatalakay sa istorya ng magkapatid na Jacqueline at Marijoy Chiong, na kinidnap, ni-rape, at pinatay umano noong July 16, 1997.

Nakausap ng PEP Troika ang direktor ng pelikula na si Ysabelle Peach Caparas, anak ni Carlo J. Caparas at ng yumaong si Donna Villa.


Continue reading below ↓

Director Ysabelle Peach (right) with Jacqueline Comes Home stars Meg Imperial and Donnalyn Bartolome

Nilinaw niyang nagkaroon sila ng malalim na research sa kuwentong ito at nakausap daw nila ang mga taong involved, lalo na ang pamilya Chiong.

Pahayag ni Direk Ysabelle Peach, “Kung alam pa nila na nag-interview kami ng mga family, like majority of the family involved.

"They’re reachable to us. We gather information straight from them.”

Sabi pa niya, “They keep saying that we didn’t do our research.

"But the thing is, their research is solely on documentary or something that's available online.

"Our research is much much deeper."

Hiningan din namin siya ng reaksiyon na pati ang kilalang radio broadcaster na si Raffy Tulfo ay tahasang inendorso ang documentary film na Give Up Tomorrow, na tumatalakay sa Chiong murder case ngunit naka-focus sa main suspect ng kaso na si Paco Larrañaga.

Continue reading below ↓

Sabi ni Direk Ysabelle Peach, “Siyempre po, I’m pretty sure he doesn’t do his own research. I’m sure other people do the research for him.

“Wala po, e. Kung one-track minded na talaga sila to hate the film, sila na po naging biased, e.

“If you watch something that deters you from listening or seeing other side, then ikaw na po yung biased, ikaw na po yung one-sided.

“If you want to watch the documentary, sure, go ahead, watch that, kasi ibang side na po yun.

“I’m just trying to show the entirety of the tragedy depicting the agony, the suffering of everybody involved, including our nation.

“Kung ayaw nilang makita yun, it’s really up to them.

"The thing is, don’t call us biased when you were being biased.”

Hindi ko lang alam kung nakaapekto ba ang isyung ito sa box-office performance ng pelikula.

Continue reading below ↓

May mga bagong pelikulang isu-showing bukas. May sinehan pa kayang ibibigay sa pelikulang Jacqueline Comes Home?

NOEL FERRER: Bilang sagot sa sinabi ng director ng pelikula, heto ang excerpts ng matalim na review ng movie critic na si Philbert Dy ng Rogue.ph:

“I want to say that I don't know the truth behind the Chiong case. I do know, based on all my experience as a film critic, that Jacqueline Comes Home is a tasteless, shitty film.

“The truth of the Chiong case is immaterial in judging the movie, because the movie isn't interested in the truth. Its longest, most sustained sequences are outright inventions establishing an imagined pattern of bahavior for its villains.

“Also: let me get into the most insane thing in this movie. The denouement of the movie involves younger daughter Debbie telling her mother that it's okay that she just called her 'Jacqueline.'

Continue reading below ↓

“Anyway: I make no claims to knowing the truth about what happened in 1997. I have my leanings, but I can't even say I'm certain Paco is innocent.”

Bilang pangwakas, heto ang ipinagdiinan ni Philbert, “I speak in full confidence when I say that the movie is GARBAGE and everyone involved should be ASHAMED.”

JERRY OLEA: Ikinakasa na ang follow-up movie ni Direk Ysabelle Peach, na may sangkap ng romansa.

Pero hindi ito rom-com (romantic comedy) na panay-panay ang pakilig. Ayaw niya ng ganun.

Kakaibang kuwento ng pag-irog ang ihahain niya... rom-tra (romantic tragedy)!

Tatak-Caparas!

Ewan kung kasama sa cast nito si Donnalyn Bartolome matapos ang hanash nito sa Jacqueline Comes Home.

Sa mga pelikula ng ama niyang si Direk Carlo J. Caparas, paborito ni Ysabelle Peach ang The Cecilia Masagca Story: Antipolo Massacre (Jesus Save Us) na pinagbidahan ni Dawn Zulueta at ipinalabas noong 1994.

Continue reading below ↓

Ganitong tipo siguro ang rom-tra na gagawin ni Direk Ysabelle Peach.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results