Lolit Solis, naaalala ang yumaong Douglas Quijano sa anak nina Richard at Lucy

by PEP Troika
Jul 25, 2018

JERRY OLEA: Ika-74 kaarawan ng namayapang talent manager na si Douglas Quijano (mas kilala bilang Tito Dougs) ngayong Hulyo 25, Miyerkules.

Noong Hunyo 13, 2009 pumanaw si Tito Dougs.


Paggunita ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez nang makatsikahan namin noong Hunyo 24, Linggo, sa bahay nila ni Mayor Richard Gomez sa Ormoc City, “The last time we were together was in Boracay for the Goma Cup. That was in 2009.

Continue reading below ↓

“And then, ahh... it’s sad na hindi na niya nakita si Juliana na nagdalaga, si Richard as a public servant, or we as a public servant.

“Because from the start, Tito Dougs knew all of the dreams naman, ‘no?

“I’m happy lang na namana namin sa kanya yung mga friends niya, di ba?

“When I see you guys, I feel very sentimental.

“Because Tito Dougs is probably my first friend in Manila, and his friends also became my friends.

“A lot of the goodwill that Richard is enjoying now was because of Tito Dougs and his network.

“So, I remember noong nag-exhibit si Richard, may mga pumunta rin na [friends ni Tito Dougs]... so it’s nice na kahit hindi nagkikita-kita palagi, para lang mga mushroom na pag puwede, nagpa-pop up.

“And we pick up where we left off.

Continue reading below ↓

“It’s a friendship, it’s a bond that’s always there.”


NOEL FERRER: Tito Douglas left a legacy of good personal relationship and love.

We remember him and his good deeds and now embodied by his talents and friends who are always rooted in their true and authentic selves always full of goodwill.

Continue reading below ↓

I remember Tito Douglas as always full of concern but always cool and chill.

He championed the excellent underdogs, something that we all admire and try to follow.

Thank you, Tito Dougs!

Continue to oversee and guide us from above.

Happy 74th!

JERRY OLEA: Isa sa malalapit na kaibigan ni Tito Dougs ang kapwa talent manager na si Manay Lolit Solis.


Continue reading below ↓

Ani Manay Lolit nang makausap namin noong Hunyo 26, Martes, sa kantina ng Sandiganbayan, “Hay, naku! Si Douglas, lagi kong naaalala ngayon every time na nakikita ko si Juliana [Gomez].

“Parang nabi-visualize ko, ang yabang-yabang ni Douglas! Kasi, lumalaki si Juliana'ng ano, di ba?!

“Saka hindi ko talaga ma-imagine na ganun talaga ka-close si Juliana, kasi, di ba? Nawala sa atin si Douglas, andoon siya [Juliana] nung inaayusan si Douglas.

“Andodo’n siya sa morgue!

“Wala siyang takot talaga! Walang takot na bata!

“Kaya every time I see Juliana, I remember Douglas.”


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Sa totoo lang, kung buhay lang si Tito Dougs, hindi na aabot sa demandahan itong isyu nina John Estrada at Ador Saluta.

Naayos na niya ito lalo na't malapit din siya sa naturang reporter.

Tiyak na nakontrol na niya itong isyu nina John at Mylene Dizon.

Ang gusto ko lang malaman, kung nabuo ba ang mga abo ni Tito Dougs na hinati-hati nila nun.

Hindi na raw nakita ni Janice de Belen yung part niya, kaya ewan ko kung nakumpleto na ito sa Columbary na pinaglagakan ng mga abo niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results