Veteran showbiz columnist, umaasang patawarin ni John Estrada

by PEP Troika
Jul 25, 2018

JERRY OLEA: “Sa totoo lang, sising-sisi ako dahil pinatulan ko yung isyu.”

Pahayag iyan ng 67-anyos na showbiz columnist na si Ador Saluta kaugnay sa isyu noon nina John Estrada at Mylene Dizon sa Kapamilya teleseryeng The Good Son.


Nakachikahan namin si Ador sa Messenger nitong Hulyo 25, Miyerkules.

Continue reading below ↓

Paggunita ni Ador, “During Tito Dougs [Quijano] days, nadadalaw kami sa Palibhasa Lalake set. Nagkakasama na kami ni John, hindi lang niya ako matandaan.

“Ang tumatak sa isipan niya na writers/friends ay sina Mell Navarro, Robert Pangis (SLN), Leo Bukas, at iba pa.

“Sana, forgiving this time si John. Alam ko naman na may sala ako.

“Sa totoo lang, nakakakaba ang merong kaso. That's why I’m praying.

"If God forgives, sana, ganun din si John.

“We could be friends after this problem. Why not?”

1995 nagsimulang magsulat si Ador sa defunct magazine na Kislap. Naisulat ba niya roon si John?

“Yes, maraming beses,” mabilis na reply ni Ador.

“Pati sa diyaryo, pag may preskon si John, write ko siya.

“Last year nga, sa PMPC Star Awards, ibinoto ko siya as best actor, kahit ask mo si Ms. F [Fernan de Guzman].”

Continue reading below ↓

Kaarawan ni Tito Dougs (namayapang discoverer-manager ni John) nitong Hulyo 25 na katsikahan namin si Ador.

Hibik pa ng veteran showbiz columnist, “Sana, himasin ni Tito Dougs ang puso ni John.

"Labs kaya ako ni Tito Dougs noong buhay pa siya."

NOEL FERRER: Sana maayos na ang dapat maayos.

Kay John at kay Ador. Pati rin sa pinagmulan ng balitang John at Mylene.

Sabi nga, when you forgive, you heal. When you let go, you grow.

Move on na sa mas productive na efforts sa industriya.

Basta lesson learned na ito at dapat may matutunan na at magbago.

And I thank you!

GORGY RULA: Bandang huli, tayo-tayo pa rin naman ang magkasama, e. Lalo na si Ador na malapit kay Tito Dougs.

Saka senior citizen na si Ador. Sana i-consider na lang yun ni John.

Humingi na rin naman ng apology ang kolumnista, na sabi nga ni John, pag-iisipan pa niya kung mag-retract at mag-apologize si Ador.

Continue reading below ↓

Pero kung itutuloy talaga ng bagong Kapuso actor ang pagsasampa ng demanda, at kung aakyat ito sa korte, tiyak na magkakarooon sila ng mediation.

Sana magkaayos na sila roon.

Hindi naman siguro pababayaan si Ador ng publication na pinagsusulatan niya.

Mahirap din talaga ang may kaso. Bukod sa malaking abala siya, gagastos ka talaga.

Sinabi pa naman ni John na pasusukahin daw niya ng pera itong idedemanda niya. Sana maayos pa silang dalawa.

Sabi pa ni John, hindi sila kailangang maging okay ni Mylene.

Sana sila ni Ador, puwede pang maging okay.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results