Lola ni Enchong Dee, pumanaw na

by PEP Troika
Jul 25, 2018

JERRY OLEA: Humaplos sa aming puso ang message ni Enchong Dee para sa 105 breast cancer patients na dumalo sa event ng Kasuso Foundation noong Hulyo 22, Linggo ng hapon, sa East Avenue Medical Center, QC.


“Naalala ko lang kanina, habang kumakain ako, si lola ko kasi, umabot din sa point na ganito,” lahad ng 29-anyos na Kapamilya actor.

Continue reading below ↓

“Breast cancer din?” sabi ni Ogie Diaz, na punong-abala sa nasabing pagtitipon.

“Oo, tapos, pinatanggal niya,” sabi ni Enchong.

“'Tapos, naalala ko noon, I was roughly 5 or 6 years old... pero hanggang ngayon, katabi ko siya sa kama...”

Palakpakan ang breast cancer patients.

Pagpapatuloy ng binata, “Kanina lang, bago ako pumunta rito, natutulog siya sa kama ko. Nagbabakasyon siya ngayon dito.”

Nakangiting sambot ni Ogie, “You mean, survivor siya.”

“Oo, survivor siya. Ibig sabihin, may pag-asa!”

Palakpakan muli ang audience.

Sundot ni Ogie, magpapa-raffle sila ng bra sa event. Hagalpakan ang mga tao.

“Importante lang, maipakita ninyo sa amin ang suso ninyo,” hirit ni Ogie, na lalong nagpakiliti sa mga nakikinig.

Bentang-benta ang repartee nina Ogie at Enchong, lalo na ang green jokes ng comedian.

“Tingnan mo! Tingnan mo, parang mga nagpapanggap lang!” tili ni Ogie sa nagtatawanang kababaihan.

Continue reading below ↓

Seryosong bawi ni Ogie, “Hindi, para lang mai-share ko sa iyo... sila kasi, pinapaano natin sila, pinapagaan lang natin.

"Kasi, alam naman nating lahat na mabigat ang karamdaman na yun. Hindi ba?

"Pero, tingnan mo, yung mga ngiting ‘yan, yung mga tawa, yung mga halakhak sa mukha nila... ‘yan yung nakakapagpagaan ng kanilang damdamin.

“Kaya pag merong event dito, lagi silang excited na pumunta.

“Iyon ngang isa, sa sobrang excited na magpunta rito, alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw, lumuwas na papunta rito.

“'Tapos, alas-kuwatro ng hapon... namatay.”

Labing-isang taon nang pinapaligaya ni Ogie ang breast cancer patients na kasapi sa Kasuso Foundation.

Tatlong beses sa isang taon ang event na ino-organize ni Ogie, kung saan nag-iimbita siya ng mga kaibigang artista sa showbiz para kumanta, sumayaw, bumati, o magpalitrato.

Iyong namatay na pasyente ay sa mismong entabladong iyon binawian ng buhay habang nagsasayaw ng "Baby Shark."

Continue reading below ↓

Mula noon ay hindi na nila isinayaw iyon.

E, gusto ng breast cancer patients na magsayaw nang mga sandaling iyon.

Kaya pinangunahan nina Enchong at Ogie ang pagsayaw ng "Bboom Bboom."

Noong Hulyo 23, Lunes ng gabi, nag-post sa Facebook ang kuya ni Enchong na si AJ Dee kaugnay sa pagpanaw ng kanilang lola.

Maging si Enchong ay nag-post din ng mensahe para sa kanyang pinakamamahal na Ma Perly.

Pahayag niya, "I always change the topic when people say I’m your favorite apo. Today, I will claim it.

"Tinabihan mo ko sa kama for a week, you allowed me to carry you down the stairs, and you held my hand in the hospital bed.

"Last request, please visit me in my dreams.

"A huge bug landed on my phone last night while I was alone in my room and I checked the meaning online, it maybe superstitious pero gumaan loob ko kahit konti.

Continue reading below ↓

"I will miss you so much and I love you Ma Perly"

NOEL FERRER: Sadyang mabuti at malaki ang puso ni Enchong Dee sa mga pagbibigay ng tulong sa nangangailangan.

Nakasama ko na siya sa ibang pagkilos. Hindi siya nagpapabayad at buong kusang-loob na nagbigay ng oras at serbisyo tulad na lang ng ginawa niya sa Foundation na ito.

Masuwerte rin si Enchong dahil tuluy tuloy ang dating ng blessings sa kanya, maliban sa pagkabuo ng pamilya niya (para na rin sa yumaong lola), naglabas din siya ng bagong travel adventure book na “Basta Trip Mo.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results