Niño Muhlach, nag-sorry kay Paco Larrañaga dahil sa pagganap niya rito noon

JERRY OLEA: As of July 25, Wednesday, hindi pa napapanood ni Niño Muhlach ang pelikulang Jacqueline Comes Home (The Chiong Story).

Pero dahil sa nasabing pelikula tungkol sa Chiong sisters na kinidnap, ginahasa, at pinaslang noong Hulyo 16, 1997, nagkainteres si Niño na panoorin ang 2011 documentary film na Give Up Tomorrow, na tungkol sa crime suspect na si Paco Larrañaga.


Post ni Niño sa Facebook nitong Hulyo 25 ng gabi:

“SORRY PACO. I was asked to play the role of Paco Larrañaga for Calvento Files that was aired on ABS-CBN at the time the case of the Chiong sisters was being heard on national TV.

“As an actor, I was asked to portray Paco as a drug-crazed maniac.

“I had to follow what the script required from me.

“After watching Give Up Tomorrow, it made me feel guilty for putting him in a bad light.

“We all know the truth by now! Let’s stand up & fight for the injustice that Paco & the rest of the Cebu 7 had to suffer! #freePacoNow”

Ginawang cover photo ni Niño sa kanyang FB account ang litrato ng Cebu 7 kaugnay sa Give Up Tomorrow, at nakasulat doon ang panawagang “Free Paco Now!”

Sabi pa ni Niño, “Sobra na yung nangyari kay Paco. He lost his prime years.”

GORGY RULA: Teka. May natira pa bang sinehan ng Jacqueline Comes Home?

Balak bang ilalabas uli ang docu na Give Up Tomorrow?

Hindi ko lang ma-gets si Onin na naiba na ang pagkakilala niya kay Paco dahil sa napanood niyang documentary film.

Pinag-aralan kaya niyang mabuti ang kaso?

Ang hirap kung sa isang docu film mo lang ibabase lahat at nadagdagan pa ng pelikula ni Direk Ysabelle Peach.

NOEL FERRER: May punto si Niño, kahit may punto rin naman si Peach.

Pero kung hindi naman makakatulong sa pagpapalabas nang mahusay ang isang sensitibo (at kontrobersiyal) na isyu, huwag na lang pangahasang talakayin.

Tuloy, nahihilaw at nakakagulo pa ito sa isyu.

Sorry, pero panoorin na lang ang Give Up Tomorrow talaga.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN