Comedienne, nagbenta lang ng souvenir items at libro sa Japan imbes na mag-perform

by PEP Troika
Jul 26, 2018

GORGY RULA: Isang kaibigang galing Japan ang nagkuwento sa amin na narinig niyang pinag-uusapan ng ilang club owners doon na never na raw nila kukuning performer ang isang comedienne.

Medyo napahinga si comedienne sa mga show sa TV, pero ang dami pa ring kumukuha sa kanyang rumaket sa mga probi-probinsiya, pati sa ibang bansa.

Rumaket nga siya kamakailan lang sa Japan, pero hindi natuwa ang mga kababayan nating nakapanood dahil parang wala naman daw itong ginawa.

Nagtinda lang daw ito sa mga kababayan natin doon ng souvenir items at libro.

May libro ba siya?

"Ewan ko dun!" tila naiiritang sagot sa akin ng aming kaibigan.

Basta wala raw itong ginawa sa performance niya kundi magbenta ng kung anu-ano at mangharbat ng lapad.

Ang isa pang di raw nila ma-take ay halatang lasing na si comedienne pagsampa ng stage. Kaya kung anu-ano raw ang pinagsasabi.

Sabi naman ng isang komedyante ring nakatrabaho niya, "Lagi naman 'yang lasing pag mag-show, e."

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Noong huli kong mapanood sa TV si comedienne ay nagpo-promote nga siya ng kanyang libro at mayroon siyang dyowa.

Sayang kasi magaling pa naman 'yang kumanta dati. Winner pa nga 'yan ng isang pakontes.

Sayang naman kung naglulula-lukahan siya at nagpe-perform nang lasing.

Kung tutuusin, kundi dahil sa ganitong reputasyon niya, marami pa sana siyang raket, kasi hot siya noon bilang co-host ng isang toprating reality show.

Sayang!

JERRY OLEA: Bet ko ang comedienne na ‘yan, sa kabila ng kanyang mga kagagahan at kabulastugan.

May mga hanash siyang nakakawindang, at may mga katuwirang hinugot sa kangkungan.

Nakakatuliro man ang ang mga ganap niya sa Japan, may mga tapat pa rin siyang tagahanga at tagasubaybay.

Tuluy-tuluy ang kanyang mga karaketan, dito man sa Kamaynilaan, sa malalayong lalawigan, pati na sa iba’t ibang bansa na naglipana ang ating mga kababayan.

Whether you like it, you hate it or you don’t give a damn, she is here to stay.

Continue reading below ↓

Charot!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results