Box-office report: Kusina Kings, hindi gaanong pumasa sa panlasa ng mga manonood

NOEL FERRER: Nag-promote nang maayos at nagsayaw na ang iba’t ibang artista ng bagong dance craze para sa pelikulang Kusina Kings, pero nasaan na ang audience nito?

Hindi ba sila gagastos para panoorin ang pelikula nina Zanjoe Marudo at Empoy sa sinehan?


Kumpara sa sinasabing PHP20 million na opening day gross ng katapat nitong Mission Impossible: Fallout, masuwerte na kung umabot ng PHP2 million ang first day earning ng Kusina Kings.

Paano na ito?

On the indie Cinemalaya front, puwede nang kumuha ng festival passes af advance tickets sa mga pelikulang lahok.

And as of yesterday, July 25, tatlong pelikula na ang nakakaungos sa advance reservations at halos sold out na ang kanilang gala tickets.

Anu-ano ang mga ito?

According to our reliable box-office sources, ang mga nangunguna ay ang Distance ni Iza Calzado, ang ML nina Eddie Garcia at Tony Labrusca, at Kuya Wes ni Ogie Alcasid.

Sana mas marami pang audience ang tumangkilik ng Pelikulang Pilipino.

JERRY OLEA: Ang Kusina Kings ay ligwak ganern sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ni-reject ng Screening Committee ng Film Development Council of the Philippines.

Ang Mission: Impossible Fallout ay ika-anim sa Mission: Impossible movie franchise.

Sang-ayon kami sa mga kritiko na ito ang pinakamaganda sa series.

Astig ang maaaksyong eksena sa pelikula nina Tom Cruise at Henry Cavill.

Makapigil-hininga ang sangkatutak na habulan at sagupaan.

Maayos at swabe ang daloy ng istorya.


Halos sold out ang screenings nito sa mga sinehan ng Gateway Cinemas noong opening day nitong Hulyo 25, Miyerkules.

Ang Kusina Kings nina Zanjoe Marudo at Empoy ay matamlay ang dating.

Balita namin ay naka-P1.8M ito noong first day.

Hindi sila Box Office Kings sa pakikipagsabong nila kina Tom Cruise at Henry Cavill.

GORGY RULA: Kung ganun katindi ang mga maaaksyong eksena ng Mission: Impossible ni Tom Cruise, hahanapin kaya ito ng mga manoood sa BuyBust nina Anne Curtis at Brandon Vera?

Mataas din kasi ang expectations nito dahil ang nagdirek nito ay si Erik Matti, na gumawa ng critically-acclaimed na On the Job.



Ito namang Kusina Kings, na bumangga sa MI: Fallout, nakakarinig kami ng mga komentong may kakornihan daw.

Pinakialaman kaya ng Star Cinema itong Kusina Kings?

Kasi gusto ko yung style ng comedy ni Victor Villanueva sa Patay Na Si Hesus, e, kaya panoorin ko pa rin itong huling ginawa niya.

Buhay na buhay na nga ang followers ng indie films dahil ang agang nagkakaubusan ng tickets sa ilang entries ng Cinemalaya. 'Tapos susundan pa ito ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Kahit nilalampaso ng malalakas na Hollywood films, lumalaban pa rin ang local films at sana tulungan na lang nating i-promote.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN