Mother Lily Monteverde ng Regal, puring-puri ang BuyBust ng Viva

by PEP Troika
Jul 26, 2018

JERRY OLEA: “Napakaganda ng BuyBust!”

Bulalas iyan ni Mother Lily Monteverde nitong Hulyo 26, Huwebes ng hapon, sa Valencia Events Place, QC, bago magsimula ang presscon ng pelikulang Signal Rock na idi-distribute ng Regal Entertainment.

Pinanood ni Mother Lily ang BuyBust sa premiere night nito noong Hulyo 23, Lunes, sa Trinoma, QC.


Continue reading below ↓

Viva big boss Vic del Rosario, Regal's Mother Lily Monteverde, and BuyBust lead star Anne Curtis

Ang BuyBust ay pinagbibidahan ni Anne Curtis, at joint venture ng Viva Films at Reality Entertainment (nina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde).

“Tuwang-tuwa si Boss Vic [del Rosario, big boss ng Viva], pumunta ako sa premiere night!” masayang lahad ni Mother Lily.

“Kasi, ang mga producer, wala nang away. Dapat magsama-sama...

“Duterte should watch the movie. It’s about drugs.

“Si Anne Curtis, ang galing! Ang galing ni Anne!”

Ay! Si Mother Lily, nagpo-promote ng Viva movie?

“Of course! I love Boss Vic! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ng Regal matriarch.

Payag si Mother Lily na magpa-presscon ang Viva sa Valencia Events Place, QC, na pag-aari niya.

“Boss Vic, I love you!” sambit pa ni Mother.

OK din kay Mother Lily na mag-co-produce sila ni Boss Vic.

Continue reading below ↓

“Bakit hindi? Sana, pumayag si Boss Vic... OK naman si Boss Vic, eh!” pakli ni Mother Lily. “

Invited ni Mother Lily si Boss Vic sa bonggang b-day celebration niya sa Agosto 19.

“Sasayaw ako!” pangako pa ni Mother Lily.

GORGY RULA: Diyan ako excited! Kung magkaroon ng merge ang Regal at Viva, ang ganda niyan!

Excited ako sa pelikulang pagsasamahan ng dalawang malaking film production kesa sa BuyBust, huh!

NOEL FERRER: Maganda 'yang ganyang efforts ng pagkakaisa.

Bakit nga ba hindi mag-co-produce ang Regal at Viva, sina Boss Vic at Mother Lily?

They are at that point na wala na silang kailangang patunayan, at ang pagkakaisa nila ay isang event lalo ngayong napakahirap at major effort ang paghikayat sa mga audience na bumalik sa sinehan para manood ng pelikulang Pilipino.

As for BuyBust ni Direk Erik Matti (distributed by Viva), pagkatapos ng premiere sa Trinoma, nagkaroon ng special screening ito sa UP at ngayon naman with the PNP.

Continue reading below ↓

At sa Signal Rock naman, (na idi-distribute ni Mother Lily), exciting ito dahil ginastusan ito mismo ni Direk Chito Roño .

Nagbiro pa nga sa akin ang direktor na dalawang kalabaw raw ang nabenta niya para sa pelikulang ito.

Two passion projects from two major companies of our generation.

Sana patuloy ang pagsuporta nila sa magagandang at risque projects tulad ng mga nabanggit, at sana sa huli’t huli, hindi pera-pera lang ang lahat!

Sana collab na ng Regal at Viva ang next!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results