Direk Jason Paul Laxamana, bakit mas ipu-promote ang Bakwit Boys kaysa The Day After Valentine's?

JERRY OLEA: Nag-worry si Direk Jason Paul Laxamana nang malamang parehong isinumite sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino ang Bakwit Boys at The Day After Valentine’s.


Nag-alala siya para sa pelikula niyang hindi makakapasok sa indie filmfest.

Akala kasi niya, isa lamang entry ng bawat direktor ang puwede.

Kaya nang ibalita sa kanya na nag-qualify pareho ang dalawang pelikula na dinirek niya, para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib.

Matapos ang relief, ano ang kasunod niyang naramdaman?

Meron bang anxiety na baka magkaselosan ang dalawang produksiyon?

Alin kaya ang mas kikita?

“Ito kasing Bakwit Boys, when it was made, wala pa siya talagang definite na plano na i-submit natin sa ganyan. Wala, e,” lahad ni Direk Jason Paul nang makausap namin noong Hunyo 23, Lunes, sa Limbaga 77 Restaurant, QC.

“Pero itong sa Viva, The Day After Valentine’s, of course, after ng success nung 100 Tula Para Kay Stella, gustong sundan ni Boss Vic [del Rosario] ng another...

“Intended talaga yun for PPP.

"So, kumbaga, wala naman talagang clash nung una. Nagkataon lang na sinubmit nila, magkaiba yung producer.

“Ahh, meron bang selosan... hindi, e! Mas magtutulungan pa nga, e.

"Kasi, of course, meron nang solid following yung JC-Bela movie, and Bakwit Boys can benefit from that.”

So, hindi magsa-suffer ang isa dahil “magkalaban” sila ng isa pa niyang entry?

“Hindi naman siguro dahil wala silang pakialam sa direktor. Yung papanoorin nila, yung cast at yung kuwento.”

Alin sa dalawang pelikula ang mas gusto niyang kumita? Alin sa tingin niya ang mas may chance na mag-number 1 sa takilya?

“Pareho!” safe na sagot ni Direk Jason Paul. “Pareho. I think, yung team naman, realistic sa expectations.

“Alam naman natin na merong solid following yung JC-Bela.

"So, ang magagawa ko na lang is really help out sa promotion ng Bakwit Boys, kasi nga, mas kailangan nito ng promo kesa doon sa isang project na medyo ano na, medyo safe na.

“I don’t want to sound confident pero mas may fanbase na iyon, e.

"Ito, mas kailangan ng promo."

NOEL FERRER: Tama naman si Jason, may machinery na ang Viva at may lamang na ang box-office following ng JC-Bela sa PPP kaya more push at tulong na lang sa Bakwit Boys sa promo.

Kailangang maramdaman pang lalo ang mga artista nito, at sana mas tumulong pa ang cast at mag-effort sa pagpo-promote.

Isa pang challenge diyan ay musical pa ang pelikula kaya doble effort para kagatin ng tao.

Good luck sa lahat ng mga pelikulang involved, at yes, more good films from the underdogs and the small/new players in the industry, like TRex of Rex Tiri na sadyang mabait sa lahat.

GORGY RULA: Kahit pa-safe ang sagot ni Direk Jason Paul Laxamana na gusto niya parehong kumita ang dalawang entries niya sa PPP, nakikita at nararamdaman ko na mas malapit sa kanya ang Bakwit Boys kesa sa The Day After Valentine’s.

First time niyang gumawa ng romantic-musical film at close friend pa niya si Jhaye Cura, ang gumawa ng mga kantang nakapaloob sa pelikula.

Tanggap niyang hindi gaanong kinakagat ang musical films, pero iba naman daw itong Bakwit Boys na alam niyang magugustuhan ng mga kabataan.

Sana itong The Day After Valentine's ay malayung-malayo sa 100 Tula Para Kay Stella, na pareho ring sina Bela Padilla at JC Santos ang bida.

Abangan na lang natin.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN