Butt exposure ni Christian Bables sa Signal Rock, tinanggal

JERRY OLEA: Hindi mapapanood ang butt exposure ni Christian Bables sa version ng Signal Rock na tampok sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (Agosto 15-21, 2018).

R-13 kasi ang target audience ng nasabing pelikula na idinirek ni Chito S. Roño para sa CSR Productions niya.


Nasa Director’s Cut ang pwetmalung love scene ni Christian with Elora Españo.

Baka ma-disappoint ang mga nag-aabang sa puwet ni Christian.

“Pero puwede mong makita ang butt sa lobby,” nakangiting sambit ni Direk Chito nang makausap namin nitong Hulyo 26, Huwebes ng hapon, sa Valencia Events Place, QC.

“Di ba, uso ‘yan dati? Ha! Ha! Ha! Ha! May lobby display ng butt.

“Di ba, ganyan yung mga sine before? Nasa lobby yung mga.... Ha! Ha! Ha! Ha!

“Umiikot si Christian sa mga sinehan, nagpapakita ng puwet!” pagbibiro pa ni Direk Chito.

“Sabi ko nga [kay Christian], ‘yang puwet mo, pang-R-18!

“Iyong eksena, pumping kasi... Konti na lang yung pumping, pero wala na yung butt exposure.

“Integral sa istorya yung eksena, e.

“Mahaba yung pumping scene na may butt exposure. Kung isasama iyon, malamang na R-18 ang MTRCB rating.

“Kaya sa Director’s Cut na lang iyon.”

Kung walang butt scene, wala ring frontal nudity?

“Wala,” mabining tugon ng premyadong direktor. “This is not the movie na may frontal.”

Siyanga pala, bakit nilagyan ng bronzer make-up si Christian sa halip na hayaang maputi ang karakter nitong si Intoy na lumaki sa isang isla sa Samar?

“Sobrang puti ni Christian!” maigting na bulalas ni Direk Chito.

“Ilagay mo ‘yan sa provincial... itabi mo sa mga native, mukha siyang poon!

“Kasi nga, nung itabi ko siya sa mga native doon, noong naglalakad sa kalye, e, talagang para siyang poon!”

GORGY RULA: Sa totoo lang, hindi ako interesado sa butt exposure ni Christian Bables.

Ito ang una kong papanoorin sa Pista ng Pelikulang Pilipino dahil curious ako kung ano na naman ang pasabog ni Direk Chito Roño tungkol sa Samar.

Kagaya ng ginawa niyang Badil nung 2013, ano naman kaya itong Signal Rock?

Gustung-gusto niya kasi talagang gawin ito, kaya kahit wala pa siyang producer noon, itinuloy pa rin niya.

Biro nga ni Direk Chito, nagbenta pa raw siya ng kalabaw para may pang-finance lang sa indie movie na ito.

Sana dito na sa Signal Rock mapatunayan ni Christian na hindi lang sa gay role siya nag-e-excel.

NOEL FERRER: Katulad ng sinabi Gorgy, hurrah for the underdogs talaga ako, kaya gusto kong unahin din itong Signal Rock dahil bihirang gumawa ng pelikula si Direk Chito.

Hango ito sa kuwento ng kanyang kababata na talaga namang kakaiba!

Hindi rin ako interesado sa butt ni Christian, at kung bakit hindi siya kasama sa nagba-viral ngayong post ng roster ng mga kasama ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na kumakalat na meme.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN