Loisa Andalio, biglang umiyak habang kumakanta sa fiesta; dahil kaya kay Ronnie Alonte?

GORGY RULA: Marami ang nagulat nang bigla na lang naiyak si Loisa Andalio sa kalagitnaan ng kanta niya sa fiesta ng Libmanan, Camarines Sur, kagabi, July 26.


Naimbitan kasi ang Kapamilya young actress nina Congressman Nonoy Andaya at Architect Maribel Eusebio na magbigay ng entertainment para sa mga taga-Libmanan, kasama ng grupong Ex Battalion, si Boobsie Wonderland, at si Erik Santos.

Sa pangalawang kanta ni Loisa, kung saan kinanta niya ang awiting "Tadhana," napaiyak na ito bigla.

Hindi niya halos matapos ang kanta dahil gumagaralgal na ang boses niya.

Napatigil siya sandali at humingi ng sorry sa mga taong nananood, lalo na sa fans niya, dahil naging emosyunal siya at tuluy-tuloy ang pagtulo ng luha niya.

Hindi niya sinabi kung bakit, pero mukhang may pinagdadaanan ang Kapamilya young actress.

Humingi siya ng paumanhin dahil naging emotional siya.

Sabi niya sa mga taong nandoon, “Basta, mahal ko po kayong lahat.”



Natapos naman niya ang kanta, at kumanta pa uli ng isa, pero kitang-kita sa mukha niyang malungkot si Loisa.

Nagtanungan ang ilang fans doon kung bakit napaiyak si Loisa.

Mukhang may pinagdadaanan talaga si Loisa dahil buong araw namin siyang nakasama, tahimik lang siya at mukhang may dinadala.

Sabi pa ng isang fan niyang nakisiksik para mapunta lang sa harapan, sana hindi raw si Ronnie Alonte ang pinuproblema ng young actress.

Hindi na umiimik si Loisa pagkatapos ng kanyang performance.

Tinanong namin ang handler niya kung may pinagdadaanan ba ang alaga niya, napangiti rin ito.

Okay lang daw si Loisa, at walang dapat ipag-alala.

NOEL FERRER: Malakas nga ang usap-usapang may pinagdaraanan sila ni Ronnie na parang episode ng Young Love, Sweet Love.

Biro nga ni Jobert Sucaldito sa radyo kagabi, “Ok lang Ronnie kung break ka kayo ni Loisa, nandito lang ako!” sabay tawa.

Marami pang pagdaraanan ang dalawang ito, na baka nga para sa lalong ikabubuti ng kanilang mga career.

Go, go, go!

JERRY OLEA: Kailan lang ay si Ronnie Alonte ang nag-perform sa Ragay, Camarines Sur, sa imbitasyon din nina Congressman Nonoy Andaya at Arch. Maribel Eusebio.

Sa recent Instagram post ni Ronnie ay may hugot din siya sa throwback picture na kesyo gusto niyang bumalik sa panahon na nag-aaral pa lang siya.

Gsto ko na ulit bumalik dito. Ung nag aaral lang ??????

A post shared by Ronnie 2 Alonte (@hashtag_r2a) on

Hmmnn... meron din kayang Gloria Macapagal-Arroyo meme para sa pinagdadaanan nina Ronnie at Loisa?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN