Newcomer Jomari Angeles, nahawakan na ng dalawang award-winning directors

JERRY OLEA: Matapos idirek ni Brillante Mendoza sa Ma’ Rosa, si Chito Roño naman ang nagdirek sa baguhang si Jomari Angeles sa Signal Rock, isa sa walong feature-length films na magtatagisan sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.


“Oo nga, e, mga bigating direktor sa industriya,” nakangiting pakli ni Jomari nang mainterbyu namin nitong Hulyo 25, Huwebes ng hapon, sa Valencia Events Place.

Paano niya pagkukumparahin yung dalawang direktor?

“Hala! Uy! Ha! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Jomari. “In-on-the-spot?! Paano ba?! Ahhh... magkaiba.

“Si Direk Brillante kasi, ang style niya, dun sa Ma’ Rosa, walang script. Hindi niya kami binigyan ng script.

“Ipinapaliwanag niya yung character. 'Tapos, on the set, doon niya ine-explain, ‘O, ganito ang mangyayari, blah-blah-blah.’

“So, ikaw, bilang aktor, magtitiwala ka sa instinct mo.

“Eto, ang naging proseso kay Direk Chito, binigyan ako ng script.

"Mas kalkulado, mas de numero yung galaw dito kay Direk Chito pero... hindi naman parang TV na lahat ng galawan namin, sinasabi niya.

“Wine-welcome pa rin niya iyong input namin bilang aktor.

"Welcome naman kaming mag-ad lib, kung ano man yung nararamdaman namin sa eksena."

Sa Ma’ Rosa, pwetmalu ang pakikipagdyugdyugan ni Jomari kay Allan Paule.

Sa Signal Rock, katambal niya ang mapangahas na si Mara Lopez, pero wala silang lampungan.

If ever, kaya ba niyang mag-frontal nudity sa pelikula?

Medyo namula ang mga pisngi ni Jomari pero matamis pa rin ang kanyang ngiti, “Kung meron naman pong magandang proyekto na worth it mag-frontal, why not, di ba?”

Handa na ba siya?

“Sila, handa na ba sila? Hindi, joke! Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang halakhak ni Jomari.

“Kayo, handa na ba kayo?! Ha! Ha! Ha! Ha!”

NOEL FERRER: Of late, nagulat nga ako at puro sexy posts ang nakikita sa social media ni Jomari.

Itong La Salle graduate na ito ay gusto yatang gumawa ng statement na he’s all grown up at hindi na siya bata.

Inhale inhale lang. �??�: @camauflaged

A post shared by Jomari Angeles (@jomariangeles_) on

Pagkatapos maging kapatid ni Jericho Rosales sa huli niyang teleserye, Jomari is now part of the new teleserye with Zanjoe Marudo and Angelica Panganiban.

Ngayon, excited siya sa magandang role niya sa Signal Rock na ipinagkatiwala sa kanya ni Direk Chito Roño.

Kasama rin siya sa Class of 2018 ng TRex Films under Bebs Gohetia.

Tingnan nga natin kung uubra siyang mag-frontal kapag pinag-try out siyang mag-teatro via the stage version of Daybreak, hit movie dati nina Coco Martin at Paolo Rivero.

Tenth anniversary na kasi ng Indie Sine record-holder kaya magandang matuloy na ang stage version nito.

Ano sa tingin mo, Tito Jerry, handa na ba siya?

JERRY OLEA: Playhouse ang teleseryeng ginagawa ngayon ni Jomari sa Kapamilya network, sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.

Bunsong kapatid siya roon ni Angelica Panganiban.

Maraming nagsasabing kamukha ni Jomari si JM de Guzman. Nakakatulong ba iyon sa kanya?

“Hindi ko masabi. Siguro, 50/50,” tugon ni Jomari.

“Nakakatulong, kasi nare-recognize ka. ‘Uy! Kakilala mo si JM, blah-blah-blah.’

“Alam naman natin ngayon na balik na si JM. 'Tapos, magaling po siyang artista. Lahat naman, humahanga sa kanya.

“At the same time po, parang nakikita ko rin na parang... ay! Kamukha mo si JM?! Baka isipin ng mga tao, wala akong originality. Ganyan.

“Pero ginagawa ko naman yung best ko na maging Jomari Angeles lang.

“Hindi ko naman siya ginagaya, e! Ayoko siyang gayahin talaga, e!”

GORGY RULA: First time idinirek ni Chito Roño si Jomari.

Nakatikim kaya siya ng maanghang na komento sa magaling na direktor kapag di nito magustuhan ang tipo ng akting?

Kasi si Direk, ang hilig mag-compare sa matatandang artista kapag medyo nalulumaan siya sa akting mo.

Isang dating sexy star ang hindi niya type ang pag-arte nito.

Nataranta na si Aktres kapag sinasabihan siya ni Direk ng "Tigilan mo 'yang arteng panahon pa ni Rosa Mia."

Dapat nakahanda ka kapag may ganung linya na si Direk.

Pero kung makakatikim ng ganung komento si Jomari, ibig sabihin, may potential ka dahil interesado si Direk na ayusin ang pag-arte mo.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN