Elora Españo at Angeli Bayani may gap dahil sa 'overlap na relasyon'

NOEL FERRER: "Sana magkaayos na po kami ni Ate Angeli,” yan ang nasambit ng Signal Rock star na si Elora Españo na ang tinutukoy ay si Angeli Bayani.

Nag-guest ito kagabi, July 28, sa aming programang Level Up Showbiz Saturdate sa DZIQ 990khz, at isa yan sa mga sinabi niya sa segment naming "SANA."

A post shared by elora españo (@eloraeuk) on

Inamin ni Elora na mayroon silang gap ni Angeli for the longest time “dahil nag-overlap po ang relasyon namin ng boyfriend niya ngayon,” at nahuhuli raw ni Angeli na may komunikasyon pa rin sila ng isang aktor na pinangalanan din pagkatapos.

Ang aktor na si Ross Pesigan ang tinukoy ni Elora.

A post shared by Angeli Bayani (@angelibayani) on

Pero ang maganda niyan ay gumawa na raw ng hakbang si Elora para magkaayos sana sila ni Angeli.

“Binati ko po si Ate Angeli nang manalo siya sa Eddy’s Awards kaya sana simula na iyon.”

Sa lead star naman ng Signal Rock na si Christian Bables, umaasa siyang sana ay magtuluy-tuloy nang ok sila nina Sir Jun Lana at Perci Intalan.

“Ang miscommunication kasi ay between my ex-manager Jeff [Ambrosio] at sila at hindi naman ako,” sabi ni Christian.

Sana nga matupad ang kanilang mga SANA, pati na ang sana ni Mara Lopez na, bukod sa Signal Rock ay kasali rin sa Buy Bust na showing na sa August 1.

Mayroon rin daw siyang advocacy film kasama ang kanyang ina na si Maria Isabel Lopez na iikot daw sa mga school at community.

At sana makatulong ang mga usaping ito sa interes ng mga taong panoorin ang pelikulang passion project ni Direk Chito Rono na Signal Rock, na official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

JERRY OLEA: “Iiyak ka sa movie.”

Kaswal na sabi iyan sa akin ni Direk Chito S. Roño kaugnay sa bagong obra niyang Signal Rock.

Kaya keber kung tinigasan man si Christian sa lampungan nila ni Elora sa pelikula.Iyong puso at kaluluwa ng istorya ang kaabang-abang.

GORGY RULA: Nakamatayan na ni Direk Gil Portes ang reklamo sa kanya ni Ross Pesigan. Umabot sa KAPPT ang reklamo ni Ross sa namayapang direktor dahil sa hindi raw maayos na trato sa kanya ni direk sa shooting ng Hermano Puli.

Nung panahong iyun ay sila na ni Angeli Bayani, at ang naturang aktres ang todo suporta sa kanya.

Anong meron kay Ross Pesigan na tila pinag-agawan siya ng dalawang babae? Sorry po ha? Sino po ba si Elora? Hopefully, makikilala ko na siya sa Signal Rock.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN