Chito Rono on guilty verdict for Vhong Navarro's case: Justice is now served

JERRY OLEA: “God is good! Praise him always!” Post iyan ni Direk Chito Roño sa Facebook noong Hulyo 27, Biyernes, at 1:00 p.m.

Ang daming kaibigan niya ang nag-comment, “Amen!” Naalala namin ang maikling kuwentong God Sees the Truth, But Waits ni Leo Tolstoy. Iyong title na iyon ang ikinomento namin sa FB thread.

Ang comment ni Direk Chito, “Amen."


NOEL FERRER: Naging emotional at napaiyak si Direk Chito Roño sa ekslusibong panayam namin sa kanya sa Level Up Showbiz Saturdate sa Radyo Inquirer kagabi, July 28, nang tanungin namin siya tungkol kay Vhong Navarro. Nasabi na niya sa nauna niyang panayam na sa tingin niya, hindi pa nakaka-move on talaga si Vhong sa pinagdaanan niya kina Deniece Cornejo and Cedric Lee kaya isa malaking “answered prayer” ang desisyong inilabas ng korte tungkol sa kasong kinasasangkutan nila.

"Convicted, yun ang unang tumatak sa akin. I didn’t want to disturb Vhong kasi nasa America siya’t nagtatrabaho sa It’s Showtime. Pero pagkatapos ng lahat ng taon na binuno namin, justice is now served," sabi ng Master Director ng Signal Rock.

Tuluyan nang naiyak si Direk Chito nang inalala niya ang nangyari, at sinabing hindi lahat ng mga taga-ABS-CBN ay pabor kay Vhong kaya kinabahan din siya.

At sa duguang itsura ng binugbog na Vhong noon, tinanong niya ito, ano ang gusto mong mangyari, manahimik na lang tayo o lalaban? Ang sabi niya raw, ilaban natin ang totoo.

Kaya in fairness, lumaban sila nang tahimik. Puwede naman kasing dahil sa kuneksyon nila sa media ay nag-ingay sila nang todo. At nang may iba pang babaeng lumabas, they just let justice take its course.

Ayun, guilty ang verdict kina Deniece, Cedric, at Jed Fernandez sa Taguig City Metropolitan Trial Court for grave coercion.

Pagwawakas ni Direk Chito, "Pilyo man si Vhong, pero hindi siya kriminal."

GORGY RULA: Nakausap ko rin ang legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, punung-puno ng sigla ang boses niya, dahil hindi raw talaga niya akalain na iyun ang ibababang desisyon.

Nagka-text lang daw sila ni Vhong, at sinabihan niyang kailangan na niyang magbigay ng statement. Next week naman ay darating ang dating miyembro ng Streetboys, at malamang iyon ang pag-uusapan sa promo ng pelikula niyang Unli Life na kasali rin sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Totoo yung sinabi ni direk Chito na hindi pa talaga naka-move on si Vhong sa ginawa sa kanya ni Cedric Lee at ng grupo nito.

Kaya nga pati ang planong pagpapakasal sa long-time girlfriend niyang si Tanya Bautista ay naka-hold din dahil gusto niyang matapos muna ang kaso bago siya mag-move on sa next step sa buhay niya. Kaya siguro naman, pagkatapos ng halos limang taong paghihintay, puwede na nilang planuhin ang pagpapakasal, di ba?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN