KathNiel fans target lampasan ng The Hows of Us ang Sid and Aya sa takilya

GORGY RULA: Text sa akin ni Ogie Narvaez Rodriguez, na isa sa mga avid supporter ng KathNiel, “In 9 hours after i-launch yung teaser ng The Hows Of Us (THOU) ay naka-2 million views na siya agad at trending siya sa social media po.”


May hashtag itong #TheHowsOfUsTeaser na pinagpiyestahan na ng mga fans dahil relate na relate raw sila.

Isang linggo raw silang nag-shooting sa Amsterdam, at ngayon ay tuluy-tuloy ang shooting nila sa Mendez, Tagaytay, para umabot sa showing nito sa August 29.



Ngayon pa lang ay inaayos na raw ng mga KathNiel fans ang mga block screening na ii-sponsor ng iba’t-ibang fans club at mga mayayamang supporters.

Malakas daw ang kumpiyansa nilang tatabo ito nang husto sa takilya, at target nilang malagpasan ang kinita ng Sid and Aya na so far ito ang may pinakamataaas na kinita sa mga local films na ipinalabas ngayong taon.

Inaasahan nilang dito sa The Hows Of Us ay makakabawi raw ang Star Cinema sa mga pelikula nitong hindi gaanong kumita.

Ilang fans ngayon ng KathNiel ay nakabantay kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nagsu-shooting sa Mendez, Tagaytay.



NOEL FERRER: Pabor at susuporta tayo sa kahit na anong makakapagbalik ng sigla at husay sa pelikulang Pilipino.

Umaasa ako na dahil ginastusan na talaga ng Star Cinema ang bagong pelikula ng KathNiel na The Hows of Us ay may level-up ito na ma-achieve hindi lang sa pagpapakilig kundi sa pag-e-establish na angat sila sa kanilang kasabayan not just in terms of box -office appeal (dahil for now sila naman ang may record sa takilya) kundi sa pagiging pulidong breakthrough at mature in terms of love-team content at acting na na-set ng JaDine film na Never Not Love You.

Challenge yan sa KathNiel at sa kanilang mga fans at sa team behind them! Go go go!

JERRY OLEA: Base sa trailer ng THOU, level-up sa drama ang KathNiel. Intense!

Hindi pakilig o pabebe acting ang pambenta, kundi yung tunggalian ng mga damdamin na grabe ang kurot at tusok sa puso.

Ang tandem nina Kathryn at Daniel ang pinakamainit na love team ngayon sa showbiz.

Ang init ng kanilang kasikatan ay hindi pang-social media lamang.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN