Jericho Rosales hindi isyu sa kanya ang billing

JERRY OLEA: Bidang-bida si Jericho Rosales sa bagong Kapamilya teleseryeng Halik.

Sa poster, mas prominent ang picture niya kesa kina Sam Milby, Yen Santos, at Yam Concepcion. Suporta lang ang mga ito sa kanya.

"Wala akong isyu diyan," sambit ng Asian Drama King nang mainterbyu namin noong Hulyo 24, Martes ng hapon sa 9501 Restaurant ng ELJCC Building, ABS-CBN Compound, Quezon City.

"Kasi marami na akong tinanggap na project na nagsu-support ako. Na-experience ko na... na second billing ka. Na-experience ko na na maliit, malaki ang picture. Wala akong problema sa ganyan.

"Kasi, I’m always looking at, you know, at the project in totality. Parang gano’n. Nasaan ako sa project na ito? Nasaan ako? Ganyan."


Ang dati niyang ka-loveteam na si Kristine Hermosa ay hindi na nagbibida.

"Choice ni Kristine na maging ano, e. But now she’s doing Bagani. Nakita ko lang siya sa isang eksena..."

Masaya si Jericho sa pagbabalik-artista ni Kristine.

“Kasi, alam ko, ayaw na niyang umarte, e, di ba?” sabi ng aktor.

"I think she’s having fun now. Alam ko, si Kristine, alam ko...very focused siya sa family niya. That’s a great thing."

Magkakasama pa kaya sila sa teleserye?

"Ako, ok naman sa akin... Bakit hindi? Game! Gusto niyo, mag-guest ako sa Bagani, e,” pakli ni Echo.

Bakit bet niyang mag-guest sa Bagani kahit abala siya sa Halik?

"Pag tinawag nila ako, bakit hindi? Dahil gusto kong mag-superhero! Alam ng producer namin iyan. Nami-miss ko yung Panday, e."

NOEL FERRER: Still hung up on Lara Quigaman, alam niyo bang bukod sa kasama siya sa patapos nang Bagani, part din siya ng teleseryeng Halik with Jericho Rosales kaya major blessing talaga ang kanilang bagong baby ni Marco.

Si Jericho naman, sobrang driven at blessed din lalo na sa kanyang career at family life kaya pasasaan din at mabibiyayaan din sila ni Kim Jones ng kanilang baby soon.

Positive vibes and good news lang lahat!

GORGY RULA: Mukhang pang-matured ang tema nitong Halik. Kaya sina Yen at Yam ang leading ladies, kasama pa si Sam Milby.

Wala silang young love team na kasama, kaya tingnan natin kung kaya nitong pataubin ang Inday Will Always Love You nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio na madalas sinusuwerte ang TV shows.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN