Bea Alonzo at Gerald Anderson, nagkabalikan na?

by PEP Troika
Jul 30, 2018

NOEL FERRER: Pagkatapos ng kanilang "pinagdaanan," it seems like all is well with Bea Alonzo and Gerald Anderson.

Dalawang events sila nakitang sweet na magkasama.


Una, sa birthday celebration ng isang common friend.

At ikalawa, sa isang basketball match na involved si Gerald.

Matatandaang medyo nagkaroon ng “isyu” ang dalawa nang ginawa ni Gerald ang pelikula with Pia Wurtzbach, ang My Perfect You.

Continue reading below ↓

Sinubukang isalba ni Gerald ang kanilang sitwasyon by flying abroad where Bea was supposed to have TFC shows.

Several trips happened na ang kasama lang ni Bea ay ang kanyang pamilya kaya naisip ng mga tao na, marahil, nagso-soul searching ang aktres.

Hanggang sa makita nga ulit silang magkasama ulit ni Gerald sa functions.

Gerald is doing a military-serye for the GMO Unit sa ABS-CBN at ngayo’y active din sa isang basketball league—ang Maharlika Pilipinas Basketball League where he plays for Marikina Shoemasters.

Samantalang si Bea naman ay may dalawang nakahanda nang pelikula: ang Eerie with Charo Santos-Concio directed by Mikhael Red, at ang tambalan nila ni Aga Muhlach under Paul Soriano.

Nagkabalikan na nga ba sina Bea at Gerald? Sana.

GORGY RULA: So, kay Gerald Anderson talaga type ni Bea makipagbalikan, hindi kay Zanjoe Marudo?

Kung matutuloy na nga ang balikan, sana kagaya ng kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na lalong sumeryoso at tila sa kasalan na ang kahahantungan.

Continue reading below ↓

Kung matuloy nga ang balikan nina Gerald at Bea, ganun din kaya ang mangyayari kina Angelica Panganiban at Carlo Aquino?

JERRY OLEA: In-unfollow na naman nina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger ang isa’t isa sa Instagram.

Napabalita iyan nitong first week of July 2018, and as of July 30, Monday, ay hindi pa sila nagpa-follow back sa isa’t isa.

Nagkalabuan sina Bea at Gerald nang magtambal ang aktor at ang dating Miss Universe sa pelikulang My Perfect You na ipinalabas noong Marso 2018.

Dumalo si Bea sa premiere night ng Kusina Kings recently bilang suporta sa ex-BF na si Zanjoe Marudo.

Pero mukhang mas matimbang si Gerald kesa kay Zanjoe sa puso ni Bea!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results