Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, nagpadala ng tulong sa mga binagyo sa Bataan

by PEP Troika
Jul 31, 2018

JERRY OLEA: Lubos ang pasasalamat ni Teri Onor sa tulong ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos para sa mga kababayan niya sa Abucay, Bataan na nasalanta ng sunud-sunod na bagyo.


“Noong kasagsagan ng bagyo the other Sunday [July 22], humingi ako ng tulong kay Juday through our mutual friend Peter Serrano,” kuwento ni Teri nitong Hulyo 30, Lunes ng gabi, nang makausap namin sa cell phone.

Continue reading below ↓

“Wala kasi akong direct contact sa kanya.

“Ura-urada, umoo si Juday. Ipinadala sa akin ni Peter ang screen shots ng usapan nila ni Juday.

“Noong Sabado [July 28], ready for pick up na iyong mga padalang tulong nina Juday at Ryan, pero wala pang available na sasakyan.

“Linggo, bumiyahe na yung trak, pero nagkaproblema sa preno sa Pampanga kaya bumalik.

“Finally, nitong Monday, nakasama na ako sa trak na pumik-ap ng padala nina Juday at Ryan.”

Pinost ni Teri (na last term na bilang bokal o board member lalawigan ng Bataan) sa Facebook nitong Lunes ng hapon ang padala nina Juday at Ryan.

Kuwento pa ni Teri, “Iyong bigas, mga de lata at noodles, personal na bigay nina Juday, pinik-ap namin sa Hi-Top sa Quezon Avenue, QC, malapit sa ABS-CBN.

“Humingi si Juday ng discount para sa ipapadala pa niyang 500 boxes ng Absolute mineral water na 6L, iyong may handle.

Continue reading below ↓

“Tatlong bottles ang laman ng bawat box, kaya bale 1,500 pieces iyon.... libre nang ibinigay ng Absolute.

“Iyong 14 sacks ng Champion detergent powder, sponsor ni Ryan.”

Nakalikom din ng tulong si Teri mula sa Rotary Club District 3780 (Quezon City), pati sa fans ni Julia Clarete.

Pahayag ni Teri, “Magpapadala rin ng tulong si Senator Manny Pacquiao, at ang kumare kong si Harlene Bautista.

“Nawa’y pagpalain sila ng Panginoong Jesus! Maraming salamat po sa inyong lahat.”

Continue reading below ↓

Ang unang pelikula ni Teri ay ang Walang Iwanan... Peksman! (2002) na pinagbidahan nina Juday at dating Senador Jinggoy Estrada.

“Isang goon ang papel ko dun, at love team kami ni Bayani Agbayani. Super-payat pa ako nun,” lahad ni Teri.

NOEL FERRER: Actually, maraming ganyan ang mag-asawang Ryan at Juday na hindi na rin lang pinag-uusapan; gaya rin naman natin at ng mga kaibigan natin, Tito Jerry at Gorgy, di ba, na siyang takbuhan ng mga nangangailangan.

Hindi ba’t ganyan din ang nangyari nang may namatayang kasamahan natin sa panulat, o may dengue alert sa isang lugar, o kahit nga yung mabilisang pagkuha ng benefit ng senior citizen?

Sa mga pagkakataong ganito, ipinagkakapuri natin ang mga kasamahan natin sa show business na tahimik lang na tumutulong, at diretso sa puso.

Nasa kanila ang ating paghanga, paggalang, at pagmamahal.

GORGY RULA: Iyon talaga ang tulong na ramdam mong bukal sa kalooban dahil ano ba naman ang kakailanganin ng mag-asawang Ryan at Judy Ann kay Teri Onor?

Continue reading below ↓

Wala naman silang balak na pumasok sa pulitika. Gusto lang talaga nilang tumulong sa mga nangangailangan.

Ang ipinapadala pang tulong ay talagang ginastusan nila. May mga binili at hindi hiningi sa sponsors o produktong ini-endorse nila.

Naalala ko tuloy ang isang kilalang female personality noong may isang sakunang dumating sa ating bansa at kailangang mamigay ng tulong sa mga nasalanta.

Inipon niya ang lahat ng mga damit na di na ginagamit. Karamihan doon ay mga naisuot niya sa kanyang mga show.

Naloka ang mga taong nagdala ng mga damit dahil karamihan ay pang-show.

Hindi raw nila ma-imagine na ang mga nasalanta ay naka-costume ng retro, ang iba naman ay magmumukhang back-up dancers o magsu-show dahil sa mga damit na ipinadala ni female celebrity.

Pero tumutulong naman talaga itong si female celebrity, kaya lang, hindi niya naiisip minsan kung nababagay ba sa mga taong makakatanggap ang mga ipinadalang tulong.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results