Ang Probinsyano vs Victor Magtanggol: sino ang nagwagi sa ratings?

by PEP Troika
Jul 31, 2018

JERRY OLEA: Trending sa Twitter ang pilot episode (Ang Simula) ng telefantasyang Victor Magtanggol noong Hulyo 30, Lunes.

Maging ang 2nd episode (Destiny) ng prime time series ni Alden Richards ay nag-#1 din sa Twitter nitong Martes ng tanghali, July 31.



PERO....

Ayon sa Kantar Media, ang national rating ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Lunes ay 42.4%, samantalang ang katapat nitong Victor Magtanggol ay 20%.

Continue reading below ↓

Sa NUTAM, 14.7% ang FPJ’s Ang Probinsyano, samantalang 12.4% ang Victor Magtanggol.

Hindi pa rin natitinag ang teleserye ni Coco Martin bilang #1 sa national (urban + rural) ratings.


Ayon pa sa Kantar Media, #2 sa national ratings ang Bagani na naka-30.8% noong Monday, samantalang ang karibal nitong Kambal Karibal ay naka-18.3%.

Continue reading below ↓

Sa NUTAM, 11% ang Bagani samantalang 11.3% ang Kambal Karibal.

NOEL FERRER: Malaking pressure talaga ang nakaatang sa Victor Magtanggol dahil na-sandwich siya sa dalawang programa ng GMA-7 na nananalo pa sa ratings.

Ang sabing konsolasyon na lang ay umangat naman nag rating nito mula sa nagsi-single digit ng The Cure.

But more than the rating, ang concern ko talaga ay ang quality.

Aabangan ko kung masu-sustain ng programa ni Alden ang kalidad ng execution ng kuwento kahit ordinary week na at hindi sa pilot lang.

GORGY RULA: Para sa akin, reliable pa rin ang AGB na survey kesa sa Kantar na hindi naman yata nila subscriber ang GMA-7.

Magandang simula na rin yung nakuhang rating ng Victor Magtanggal.

Ang ibig sabihin, may nakuha silang viewership ng Ang Probinsyano.

Ang nakakatuwa pa rito, all-out talaga ang suporta ng mga kaibigan at katrabaho ni Alden.

Mga kasamahan niya sa Sunday Pinasaya, mga Dabarkads sa Eat Bulaga, pati si Maine Mendoza ay suportado rin itong telefantasya ni Alden.

Continue reading below ↓

Pati nga ang fans niya ay may pa-special screening pa kasama si Alden.

Nakakatuwa ang tapatang ito dahil pareho namang pinaghandaan nang husto ang dalawang seryeng ito. At least nakikinabang at busog dito ang mga manonood.

Kung talunin man ngayon ng Ang Probinsyano ang Victor Magtanggol, at least gawang Pinoy pa rin at hindi Koreanovela na kinababaliwan ng iba.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results