NOEL FERRER: Katulad ng nangyari noon kay Diego Loyzaga, naging issue sa ibang tao ang pagpu-post ni Alice Dixson ng birthday pictures niya sa Boracay habang nire-rehabilitate pa ang isla.

Tuloy, naglabas ng official statement ang Crimson Resort and Spa Boracay upang linawin na walang nilabag na batas si Alice dahil kasal ang aktres sa isang top executive nila.
Heto ang statement nila mula sa Chroma country manager na si James Montenegro:
“Chroma Hospitality, Inc., the management company of Crimson Resort and Spa Boracay, reiterates that the resort is in full compliance to the closure and rehabilitation order for Boracay Island pursuant to Executive Order 53 series of 2018.
"The resort is not violating any government regulation regarding the closure.
"It is not accepting and entertaining guests at the resort, contrary to the articles released in the media where actress Alice Dixson was seen on the island.
"Ms. Dixson is the wife of a top executive of Crimson Resort & Spa Boracay.
"They are both residents of the island with proper documentation.
"This has been confirmed and verified during an inquiry done by the Department of Interior and Local Government.
"We continue to support the government’s initiative to rehabilitate the island to ensure its long-term sustainability and we look forward to welcoming our valued guests here at Crimson Resort and Spa Boracay, once the island reopens."
Kahit kasama pa si Alice sa toprating na teleserye na FPJ's Ang Probinsyano, sisimulan na rin ang bago niyang teleserye kasama sina Joshua Garcia, Julia Barretto, at Iza Calzado.
Ito ay ang Ngayon At Kailanman, na dating may titulong Nostalgia.
JERRY OLEA: Blooming si Alice Dixson sa ika-49 kaarawan niya noong Hulyo 28, Sabado.
Binasbasan ba ng Blood Moon ang kanyang kagandahan, lalo pa’t ang Boracay ay isang mystical island?
#redefine49 ang madalas niyang pa-hashtag sa Instagram.
Mas sariwa siya kesa sa ibang aktres at celebrity na nakababata sa kanya.
“I can feel it!”
Noon pa man ay may misteryo ang pribadong buhay ni Alice, kaya siguro mas kapana-panabik ang kanyang aura.
Pebrero 2013 pa na-finalize ang divorce nila ng kanyang unang asawa, at hindi nakakapagtakang may lalaking umibig at muling nagpapaligaya sa kanya.
GORGY RULA: Nung nagpakasal si Alice sa una niyang asawa na based sa Canada, iniwan niya ang showbiz dahil sumama siya roon.
Siguro naman ngayon ay hindi siya maninirahan sa Boracay dahil maganda ang showbiz career niya ngayon.
