PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fan-made Victor Magtanggol poster na ginaya sa Thor, pinutakti ng bashers

Victor Magtanggol poster na ginaya sa Thor, pinutakti ng bashers
by PEP Troika
Published Aug 1, 2018

GORGY RULA: Gustong linawin ng mga taga-Victor Magtanggol na wala silang kinalaman sa kumalat na layout ng poster na kopya sa pelikulang Thor.



Marami ang nag-react sa nasabing poster na nagamit ng ilang bashers sa paninira sa telefantasya ni Alden Richards.

Inamin naman ng isang netizen na nagngangalang Paulo Naparan na nakatuwaan lang niyang gumawa ng ganung poster.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala raw siyang intensiyong ikalat at gamitin itong paninira laban sa Victor Magtanggol.


Samantala, may mga nagparating ding reklamo mula sa ilang nanood ng pilot ng Victor Magtanggol na hindi nila nabubuo ang panonood dahil nagkakaroon ng signal interruption, lalo na sa cable subscribers.

Marami nga raw nakakapansing may ganun laging problema ang cable subscribers tuwing may malaking launch ang GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahirap mambintang, pero marami na talagang nagpaparating ng ganung reklamo.

NOEL FERRER: Although parehong nadagdgan ng viewership, panalo pa rin sa ratings ang FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin sa second day (July 31), pati na sa NUTAM AGB ratings na hinu-honor ng GMA.

Nakakuha ang Probinsyano ng 14.8%, habang ang Victor Magtanggol ay 12.7%.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Again, sa labanang ito araw-araw, nakakaaliw lang na ang nagwawagi talaga, tulad nga ng sabi Tito Gorgy, ay ang auidence.

At hindi puwedeng maging kampante ang mga kasama sa nagbabanggaang mga programang ito.

May the better program win!

JERRY OLEA: Base sa unang dalawang episodes ng Victor Magtanggol na napanood ko, ibang-iba ito sa Marvel movies na tampok si Thor.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Kapuso telefantasya, natigok na ang diyos na si Thor sa pilot episode.

Si Victor ang tagapagmana ng Mjolnir, ang hammer ni Thor.

Ewan kung ang ina ni Victor ay mula sa lahi ni Thor, pagka’t isang milenyo na ang lumipas mula nang isakripisyo ni Thor ang kanyang buhay.

Ang Marvelous Loki ay ibang-iba sa Loki ng VM.

Pakiwari ko ay si Hagorn ng Encantadia ang peg ni John Estrada sa kanyang paglo-Loki na panay-panay ang pagmulagat.

Tunghayan natin ang mga susunod pang episode ng Victor Magtanggol at saka natin husgahan kung gaya-gaya puto-maya ito sa Thor ng MCU (Marvel Cinematic Universe).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results