BuyBust, nakakap*t*ng ina!

by PEP Troika
Aug 2, 2018

JERRY OLEA: Marahas. Madugo. Mabangis.

Ang BuyBust (classified R-16 ng MTRCB) ay pelikulang p*t*ng ina.



Natawa ako sa huling linya ni Nina Manigan (Anne Curtis), “Nanlaban ang suspek.”

At napangiti ako nang pagkapait-pait sa newscast na 13 ang nasawi sa engkuwentro sa Gracia ni Maria, habang ipinapakita sa telon ang sandamukal na “casualties of war on drugs.”

Makabuluhan ang mensahe ng BuyBust.

Nakakap*t*ng ina.

Astig si Anne bilang PDEA member sa squad ni Bernie Lacson (Victor Neri). OK ang ka-tandem niyang si Rico Yatco (Brandon Vera).

Wala masyadong character development si Nina Manigan, pagka’t ang sustansiya ng istorya ay naganap sa loob lamang ng isang gabi.

Ang misyon ng squad ay hulihin ang drug lord na si Biggie Chen (Arjo Atayde).

Kaso, na-set up sila ni Judas.

Parang mga daga ang PDEA members na gustong puksain ng mga galamay ng sindikato.

Sa engkuwentro, dawit ang mga residente ng Gracia ni Maria. Nag-aklas sila—bata, matanda, lalaki, babae, bakla, Kristiyano, Muslim, at kung ano pa man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labu-labo sa giyera.

P*t*ng ina.

Ang gagaling ng supporting cast sa BuyBust.

Gaya nina Arjo at Victor, markado ang pagganap nina Joross Gamboa bilang Manok, Levi Ignacio bilang Boss Chongki, Nonie Buencamino bilang Sir Alvarez, Lao Rodriguez bilang Rudy de la Cruz, at Alex Calleja bilang Teban.

NOEL FERRER: Graded A by the Cinema Evaluation Board, glowing reviews sa Variety at sa Biyernes (August 3), opening film pa ng Cinemalaya.

Nasaan ang audience ng mga matitinong pelikula tulad ng BuyBust?

Iyan ang tanong ng mga tao dahil hindi naman sila nagtipid sa promo at grabe ang awareness natin at ang effort ng cast at production team nito para mag-ingay.

Pero bakit sa early estimate ay suwerte nang sumampa sa PHP4 million ang first-day gross nito?

Sana lang ay dumami pa ang evening crowd nito para umangat-angat naman ang box-office take nito na papantay o uungos lang ng kaunti sa I Love You, Hater.

Ang kapanabayan naman nitong Harry & Patty ay kinukulang din at suwerte na kung makasampa sa 1M mark ngayon (na according to the bookers ay mahihirapan daw).

Punchline na lang ng isang nagmamalaksakit sa pelikulang ito, "at least mas mataas ang AhKai tandem sa Almost A Love Story ng nag-birthday na si Barbie Forteza at Derrick Monasterio." (Teka, magka-level ba?)

Nasaan na ang audience ng Pinoy films?

Muli, sana umepekto ang good word of mouth. Magpa-block screening galore na ang fans at supporters ng mga artista ng mga nabanggit na pelikula.

Sana talaga makabawi pa sila.

GORGY RULA: Matagal-tagal na ring hindi tayo nahainan ng matitinding action films.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayon, may BuyBust na napaka-bloody raw, sabi ng karamihan ng nakapanood.

May kasunod pang action na kasali sa PPP, ang We Will Not Die Tonight na bida naman ai Erich Gonzales.

Sabi ng nakapag-review nito, kung bloody ang BuyBust, mas matindi raw ito.

Dalawang pelikulang aksyon na parehong madugo.

Kaya ba nilang pausuhin ulit ang pelikulang aksyon, kahit babae ang bida?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results