Kris Aquino, pinairal ang katigasan ng ulo para maka-attend ng Crazy Rich Asians premiere

JERRY OLEA: Pinayagan na si Kris Aquino ng kanyang doktor na dumalo sa premiere ng pelikulang Crazy Rich Asians sa Agosto 7, Martes, 7 p.m., sa TCL Chinese Theater sa Hollywood Boulevard (Hollywood, California, USA).


Nagka-anaphylactic reaction si Kris sa kanyang outdoor shoot noong Hulyo 26, Huwebes ng hapon, sa Indonesia.
Hinamon lahat ng kanyang environmental allergies.

Agad-agad siyang umuwi sa Pilipinas.

Post ni Kris sa socmed noong Hulyo 27, Biyernes, “I need 5 days of total rest to flush out all allergens that attacked my body.”

Nitong Agosto 1 (ika-siyam na death anniversary ng ina niyang si dating Pangulo Corazon Aquino), Miyerkules ng hapon, sinabihan si Kris na hindi pa kaya ng katawan niya ang 14 hours na flight pa-Amerika.

Kita pa rin sa kamay ni Kris ang mga ugat niyang nag-collapse.

Ang sisters niya, tutol na bumiyahe siya.

Hindi nagpatinag ang “tigas ulo/bawal sumuko/kakayanin lahat” na si Kris.

Post ni Kris sa Instagram bago mag-8 p.m. nitong Miyerkules, “Nagawan po ng paraan — lilipad kasama ng mga anak, our team, and my doctor to walk the red carpet for the Hollywood premiere of the ground breaking, all-Asian cast movie Crazy Rich Asians...”

(Song credit: Because You Loved Me by @iammarkbautista from my Universal Records album THE GREATEST LOVE: a special tribute to Pres. Corazon C. Aquino) My mom instilled in me the importance of expressing GRATITUDE. My children & i thankfully embrace that we are blessed w/ countless opportunities & immeasurable kindness... It is God's timing that tonight i'm able to say THANK YOU to everyone: @starcinema dahil nagbukas sila ng pintuan na maging bahagi ako ng "i love you hater"... sa lahat ng nagbigay ng oras at importansya para magbigay ng suporta sa movie, i love you! �??? THANK YOU @iflix.ph because my next chapter unfolds w/ @livelifewithkris on #iflixfree �?��?... KCAP family, @cornerstone, and sa lahat ng aming brand partners who continue to have FAITH in me- Maraming Salamat Po. �??? P.S. The “tigas ulo/bawal sumuko/kakayanin lahat” in me hindi nagpatinag. Nagawan po ng paraan- lilipad kasama ng mga anak, our team, and my doctor to walk the red carpet for the Hollywood premiere of the ground breaking, all Asian cast movie @crazyrichasians from @wbpictures... i couldn’t allow that we PINOYS wouldn’t be represented- hangarin ng puso ko na mabitbit ang bandila ng �??��??� in a movie highlighting Asian Culture. YES, let us always remember & uphold: WE FILIPINOS ARE WORLD CLASS! �??? #proudpinoy #ilovethephilippines #princessintan �???�???�???�?��?

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Nginarag ni Kris ang world-class designers na sina Michael Leyva, Francis Libiran, at Jun Escario sa Filipiniana gowns na pagpipilian niya para isuot sa premiere night. (Iyong ROYALTY gown na suot ni Kris sa movie ay likha ni Michael Cinco.)

Nakahanap ang Team KCA ng “allergy free” rooms sa Hollywood.

Siyanga pala, kasama rin sa cast ng Crazy Rich Asians ang Fil-Am actor na si Nico Santos (na gumaganap bilang sales associate na si Mateo Fernando Aquino Liwanag sa NBC series na Superstore mula noong 2015.)

Sa Manila ipinanganak si Nico at 16 years old na siya nang manirahan sa Amerika.

NOEL FERRER: Good luck, Kris, continue doing our country proud!

Thank you also to former President Cory Aquino for the legacy of restoring our basic freedom and civil liberties.

Thank you for being the gentle voice of hope and love. Continue interceding for all of us in heaven.

2 AM, August 1, 2009 you said goodbye to us; you battled cancer willingly because you knew we needed those 17 borrowed months w/ you... your time of death & the date- had eerily the same numbers present as dad’s. He was killed 1 PM, August 21. In my heart i’m sure you’re happy in heaven now reunited w/ the only man you ever loved. Because of what i saw in you, i can still believe that TRUE, COMMITTED, & ENDURING LOVE is REAL because Dad was your 1st, last, & only love... You’d tease me that my perfect match would be a male Cory for a lifetime partner because you said i was the female Ninoy, and only a male version of you would understand the passionate “tigas ulo/bawal sumuko/kakayanin lahat” in me... Mom, malabo na sigurong mangyari pa yun. Nanghihinayang lang ako na hindi mo naabutan yung development ni kuya josh & how slim, respectful, generous in sharing, effortlessly kindhearted, polite, gentle & appreciative he’s grown up to be... since Bimb was only 2- you didn’t fully experience the male Kris in your youngest apo. For sure you’d be the proudest w/ how he’s turning out: excellent grades, articulate, truthful, protective, driven, caring, and responsible. But you’d also be laughing that just like his Mom- wala syang preno sa kadaldalan, he remembers everything & is always ready w/ HIS opinion... I don’t doubt you’re proud of all i achieved- but i hope from heaven you’re seeing pinipilit & pinagsisikapan kong maging “good mom” -because i had the BEST role model in YOU. You know August has always been tough for us- but you instilled dignity & strength in all your children. So maybe, hopefully you no longer worry about us. �??? (Dance w/ My Father sung by @rnbjayr from my Universal Records album Blessings of Love.)

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

GORGY RULA: Nung nagkita kami ni Kris Aquino sa birthday party ng asawa ni Ka Tunying na si Rossel Taberna, narinig kong ikinukuwento ng actress-TV host na naiintriga siya sa nag-imbita sa kanya sa Indonesia para mag-shoot doon.

Hindi raw tumawad sa talent fee niya na kaagad ibinigay ang full payment in dollars.

Nag-charter ng plane na sasakyan niya at ang bongga ng accommodation.

Marami ang nagsabi kay Kris na mag-ingat lang dahil hindi niya gaanong kilala ang nag-imbita sa kanya.

Medyo naintriga lang si Kris bakit gustung-gusto siyang kunin at kaagad na ipinaimbita siya roon.

Alam ko pinaghandaan ni Kris ang pagpunta niya roon at nag-iingat siya.

Hindi lang yata tugma ang katawan niya sa weather o sa environment niya roon sa Indonesia, kaya naglabasan ang mga allergy niya.

Mabuti na lang at safe naman siyang nakabalik ng bansa.

JERRY OLEA: Ngayong Agosto 2, Huwebes, 9 p.m., ang lipad ni Kris pa-USA.

Kasama niya sina Josh, Bimby, Bincai at ang doktor.

Sa Sabado, susunod ang assistant niyang si Alvin, dala ang Filipiniana gowns.

Nagtaka ako kung bakit Agosto 7 ng 7 p.m. ang premiere, sa halip na Agosto 8 ng 8 p.m.

Di ba, suwerte sa mga Chinese ang numerong 8?

Iyon pala, may special advance screenings ito sa 8/8 (Agosto 8).

Agosto 15 ang playdate ng Crazy Rich Asians sa North America.

Sa Pilipinas, merong 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino sa Agosto 15-21, kaya sa Agosto 22 pa ito magso-showing, kasabay ang Miss Granny (Sarah Geronimo, Xian Lim, and James Reid).

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN