Kapamilya couples, umeeksena dahil sa problema sa love life

NOEL FERRER: This must really be a season of breakups or challenges in relationships.

Mercury retrograde pa rin kasi. Nagsimula ito noong July 26 at tatagal hanggang August 19, kaya ingat-ingat lang sa lahat.

Hindi na nakayanan nina Miho at Young JV (na dapat magpalit na yata ng pangalan kasi hindi na siya Young) at nag-break through text message.

May akusasyong nangaliwa ang babae, at ang nanay pa mismo ng lalaki ang nagkumpirma ng breakup ng dalawa.


Kumusta naman kaya ang MarNigo tandem nina Maris Racal at Iñigo Pascual?

Hindi ba’t tila may pinagdadaanan din sila? Parang nagsu-soul searching sila dahil malabo yata ang kanilang status.


E, ang McLisse nina McCoy de Leon at Elisse Joson, with separate projects on TV now, kumusta na?

Will Elisse’s solo Ipaglaban Mo be the start of solo projects na rin?

Medyo lowbatt si McCoy sa guesting niya sa Umagang Kay Ganda kanina, August 2.


Kailangan dagdagan pa ng sigla ang mga tandem na ito na parang may pinagdadaanan.

Buti pa sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, nalampasan na ang pagsubok.



Nakakatakot kasi baka mag-"weno" na reaction si Tito Gorgy, di ba Tito Jerry?

JERRY OLEA: Sayang ang love team nina Ronnie at Loisa kung patatagalin nila ang kanilang misunderstanding.

Baka kung anu-ano pang isyu ang mabulatlat, at sa kangkungan pulutin ang kani-kanyang career kung hindi sila magbe-behave.

Naglabas ng kani-kanyang parunggit sa social media sina Miho at Young JV.

Hindi naman sila magka-love team, di ba?

At least, napag-uusapan sila kahit paano dahil sa kanilang patutsadahan.

Interesting ba iyon para sa kanilang fans?

Ang MarNigo tandem, hindi ko masyadong maramdaman. Parang mas mabuti na magkani-kanya sila.

May potensiyal si Maris bilang aktres. Nakakaaliw ang pagkikay-kikay niya.

May potensiyal din si Iñigo bilang singer.

Baka mas makabubuting ihanap sila kapwa ng ibang ka-partner.

Ang McLisse, wala pa ring masyadong init. Bata pa naman sina McCoy at Elisse. Mukha naman silang parehong mabait.

Iyang mga Kapamilya tandem na mahina pa ang signal sa showbiz radar, maghintay-hintay na lang muna sa tabi-tabi.

MayWard ang mabibigyan ng chance sa teleserye.

Ang JoshLia, bidang-bida na sa teleseryeng Ngayon at Kailanman na may trade launch ngayong Agosto 2, Huwebes.

Ang LizQuen, nasa Bagani.

Ang KathNiel, inaasahang magpapayanig sa takilya sa pelikula nilang The Hows of Us na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Agosto 29.

Nakatuon ang pansin ng ABS-CBN sa promo ng THOU.

Kaya iyang mga hanash na walang wawa, pasensiya na lang.

GORGY RULA: Kontrolado naman ng ABS-CBN ang kadramahan ng mga young love team na iyan.

Malamang kaagad na inayos nila yung kiyemeng drama nina Ronnie at Loisa, nung nabalita nating umiyak-iyak si Loisa sa CamSur nung nakaraang linggo.

Itong breakup lang nina Young JV at Miho lang ang type ko punahin.

Kasi, pati ang nanay ni Young JV nakisali na siya pa ang nag-announce sa socmed.

Dahil ba may Young sa name ni Young JV kaya tingin niya bata pa para pakialaman love life ng anak niya?

Ang isa pang naisip ko, ano pa kaya ang ipaparetoke ni Miho pagkatapos ng breakup nila ni Young JV?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN