Suot na diamond ring ni Winwyn Marquez, simbulo ng engagement nila ni Mark Herras?

GORGY RULA: Napansin namin sa mediacon ng pelikulang Unli Life ng Regal Multimedia kagabi, August 2, ang suot na diamond ring ni Teresita Ssen Marquez o mas kilala bilang Wynwin Marquez.


Kaagad naming tinanong ang Reina Hispanoamericana 2017 kung engagement ring na ba ang suot niya.

“Hindi po,” nakangiti niyang sagot. Pero bigay raw yun sa kanya ng boyfriend na si Mark Herras.

Tinanong uli namin kung ano ang tawag nila roon. “Commitment ring ba?” sundot na tanong namin kay Winwyn.

Umiiling ito. Hindi raw niya alam kung ano ang tawag doon ng nobyo, pero regalo raw ito sa kanya.

“Alam niya kasi na gusto ko mag-invest sa jewelry. Gusto kong bilhin itong ring.

"Nung nalaman niya, binayaran niya agad," pakli ng leading lady ni Vhong Navarro sa Unli Life, na mapapanood sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino.

Hindi pa naman daw siya handa sa engagement o proposal ni Mark.

Pero kung siya ang tatanungin, gusto niyang si Mark na ang kanyang huling boyfriend.

Pang-"unli life" na raw, pero matagal pa ang kasalan, yun ang tinitiyak niya.

“Gusto ko kasi siya na rin yung last ko. Ganundin naman ang sinasabi niya sa akin.

"But not anytime soon. Hanggang usap-usap lang, yung plano plano," nakangiting pahayag ni Winwyn.

Napag-uusapan lang daw ang kasal, kaya tinanong na rin namin ang actress-beauty queen kung anong klaseng wedding ang gusto nila ni Mark.

“Baligtad kasi kami. Gusto niya malaking wedding, ako gusto ko tahimik lang.

"Gusto niya engrande, gusto niya i-celebrate. Ako, gusto ko tahimik lang," sabi niya.

Kung sakali, sino ang masusunod: Ang engrandeng kasal na gusto at pag-iipunan ni Mark o simpleng selebrasyon na gusto niya?

“Hindi ko rin alam, e. Sa laki ng pamilya namin, lalo na ang pamilya ko.

"Masarap isipin, di ba? Pero matagal pa," pahayag ni Winwyn.

NOEL FERRER: Parang yun nga nga yata ang logical progression ng relasyon nina Mark at Winwyn—ang pagpapakasal.

Pero bago nun, alam naman natin na si Ryza Cenon ang natuloy sa paglipat sa ABS-CBN at, ayun, mayroon na siyang FPJ's Ang Probinsyano na susundan ng The General’s Daughter.

Ano naman ang next project ni Winwyn sa GMA?

Hindi na ba niya pangangatawanan ang pagpapalit ng pangalan bilang Teresita?

Buti na lang may Unli Life siyang pelikula.

JERRY OLEA: Baby pa rin ang tingin ni Joey Marquez kay Winwyn Marquez.

“Akala yata niya, 16 pa rin ako! Hi! Hi! Hi!” bungisngis ng dalaga nitong August 2, Thursday night, sa Valencia Events Place, QC.

“Siyempre, ganun naman lahat ng daddy, di ba? Very protective sa kanilang daughters.”

Thirty-two years old pa raw puwedeng mag-asawa si Winwyn?

“Iba-iba na nga!” agad-agad niyang tugon.

“Kanina, 32. Iyong isa, 42. Iyong isa, 45. Nalilito na rin po ako.

“Pero sana naman, huwag.”

Sa tingin niya, ano ang ideal age para maging mother ang isang babae?

“I hope before 30. Pero siyempre, wala namang expiration date ‘yan. O wala namang date talaga na nakalaan.

“Depende naman ‘yan sa nangyayari. Pero... hopefully, before 30! 26 na ako, e!”

Nasasabi ba niya sa kanyang father na sooner or later ay bubuo na sila ni Mark Herras ng sariling pamilya?

Nakangiting lahad ni Winwyn, “Oh my gosh, oo! Lagi ko siyang dyinu-joke! ‘Daddy, naku... malapit na!’ Hindi naman niya ako papansinin.

“O may plano na rin akong bumukod sa kanya. Hindi rin niya ako papansinin.

"Ayaw niya akong umalis. Ipapaayos niya yung kuwarto ko, ganun. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Sabi niya kasi, ‘Why leave the house if you could stay here first, and save ka muna ng money. Save-save ka. 'Tapos, saka ka bumili ng sarili mong bahay talaga.’”

Malapit na ba siyang maging financially stable?

Mabining tugon ni Winwyn, “Malapit naman po. May ipon naman ako.

"Pero siyempre, it’s not enough pa to have a family.

“Di ba? Hindi pa naman siya enough.

“Totoo naman yung sinabi niya. Love is not enough, di ba?

“Love is not enough! Kailangan, stable ka sa lahat ng bagay—emotionally, spiritually, lahat, financially. Kailangan, stable ka talaga.

“Nakikinig naman ako sa advice niya. Kaya ngayon, work-work-work talaga!

“Even naman kay Mark, he’s working talaga. He’s working hard.”

Kasama si Winwyn sa Kapuso teleseryeng Pamilya Roces (sa direksiyon ni Joel Lamangan), at ikinakasa na ang launching movie niya sa Regal Films.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN