JERRY OLEA: Ipinagluluksa ni Lady Gaga ang pagpapatiwakal ng 32-anyos na kaibigan niyang si Rick “Zombie Boy” Genest, na bida sa music video niya para sa "Born This Way."
Tweets ni Lady Gaga nitong Agosto 3, Biyernes ng umaga (Manila time):
“The suicide of friend Rick Genest, Zombie Boy is beyond devastating. We have to work harder to change the culture, bring Mental Health to the forefront and erase the stigma that we can’t talk about it.
“If you are suffering, call a friend or family today. We must save each other."
The suicide of friend Rick Genest, Zombie Boy is beyond devastating. We have to work harder to change the culture, bring Mental Health to the forefront and erase the stigma that we can’t talk about it. If you are suffering, call a friend or family today. We must save each other. pic.twitter.com/THz6x5JlpB
— Lady Gaga (@ladygaga) August 3, 2018
“Science tells us that it takes 21 days to form a habit, if you are suffering from Mental Health issue I beckon for today to be your first day or a continuation of the work you’ve been doing.
“Reach out if you’re in pain, and if you know someone who is, reach out to them too."
Science tells us that it takes 21 days to form a habit, if you are suffering from Mental Health issue I beckon for today to be your first day or a continuation of the work you’ve been doing. Reach out if you’re in pain, and if you know someone who is, reach out to them too. pic.twitter.com/4pVR5xyoH6
— Lady Gaga (@ladygaga) August 3, 2018
“Kindness and mental health aren’t one time practices. They aren’t just to do list items.
“This fall, in partnership with @btwfoundation, I’ll explore the power of habits to build cultures of kindness and wellness...”
Kindness and mental health aren’t one time practices. They aren’t just to do list items. This fall, in partnership with @btwfoundation, I’ll explore the power of habits to build cultures of kindness and wellness. Sign up to learn more https://t.co/GBVblaVKzF
— Lady Gaga (@ladygaga) August 3, 2018
Napabuntung-hininga kami nang malalim sa tweets ni Lady Gaga, dahil usap-usapan sa local showbizlandia ang tangkang pagpapakamatay ng isang male showbiz personality dalawang buwan na ang nakalilipas.
Panay-panay ang hugot hanash ng male showbiz personality sa socmed.
Napanood pa namin sa TV ang male showbiz personality noong Hulyo 29, Linggo ng hapon.
Hindi namin nahalata sa mukha niyang mayroon siyang pinagdadaanang napakabigat.
NOEL FERRER: Very timely ang mga usaping ganito dahil pati sa ating bansa, ang suicide at mental health problems ang naging sentro ng usapan sa The Boy Abunda Talk Project tampok ang testimonies nina Jasmine Curtis-Smith, Bela Padilla, at iba pa.
Nalungkot ako nang mabalitaan ko ang depression at pagtatangkang pagkitil ng buhay ng ilang local celebs.
May kilala kang ganyan, Tito Gorgy, di ba? I really feel for the family. Hayyyyy...
GORGY RULA: Seryosong usapin talaga itong depression.
Kaya sana ma-handle ito ng kung anumang ahensiya para magabayan ang mga taong may pinagdadaanan, lalo na ang mga kabataan.
Hindi ko lang alam kung ano ang pinagdaanan nitong male showbiz personality na umabot siya sa pagtangkang magpatiwakal.
Ang narinig ko lang na kuwento, nakipag-break daw sa kanya ang girlfriend na isa ring celebrity dahil gusto na raw sana nitong magpakasal.
Pero mukhang wala pang balak si male showbiz personality dahil sa malalim na dahilan, kaya nainip ang girlfriend at nakipagkalas na lang siya.
Umuwi na raw muna ito sa bansang pinanggalingan niya, at nagulat na lang siya nang nabalitaang gusto nang magpakamatay ng dating boyfriend.
Mabuti na lang at hindi binibitawan ng kanyang pamilya si male showbiz personality, at isinugod siya sa hospital pagkatapos lumagok ng napakaraming sleeping pills.
Kabilin-bilinan daw ng mga magulang niya na hindi lalabas ang insidenteng iyon, pero nakalusot pa rin at nakarating na sa PEP Troika.