The Day After Valentine's, pinaiyak ang mga taga-Cinema Evaluation Board

by PEP Troika
Aug 3, 2018

NOEL FERRER: Ratsada sa pag-e-evaluate at pagbibigay ng grade ang Cinema Evaluation Board (CEB) para sa mga pelikulang magkakaroon ng commercial release soon.

Sa mga magbubukas sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), binigyan nila ng Grade A ang The Day After Valentine’s (starring Bela Padilla and JC Santos; directed by Jason Paul Laxamana).


Ang We Will Not Die Tonight (starring Erich Gonzales and directed by Richatrd Somes) ay nabokya at hindi nabigyan ng grade.

Sa ibang lahok sa special section ng PPP at yung mga magkaka-theatrical exhibition, naka-Grade A ang mga pelikulang Paki (starring Dexter Doria and directed by Gian Carlo Abrahan), Kiko Boksingero (starring Noel Comia, Yul Servo, and Yayo Aguila; directed by Thop Nazareno, at High Tide( starring Arthur Solinap and Sunshine Teodoro; directed by Tara Illenberger).

Samantalang ang rom-com na Gusto Kita With All My Hypothalamus (starring Ianna Bernanrdez and Nicco Manalo with Angel Aquino and Soliman Cruz; directed by Dwaine Baltazar) ay nabokya rin at walang grade.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Well, the CEB grade does not determine audience acceptance and support for a film.

In the end, magandang panoorin natin lahat at tayo mismo ang magbigay ng sarili nating grade, di ba?

JERRY OLEA: As I’ve said before, halos dalawang dosenang bagong pelikula ang itatanghal this month sa mga sinehan.

Marami pang ibang indie movies na mapapanood sa Cinemalaya 14: Wings of Vision (Agosto 3-12) at 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (Agosto 15-21).

Pero ang inaabangan ng sandamukal na fans—may grado man o wala sa CEB—ay ang Miss Granny ni Miss Sarah Geronimo, na ipapalabas sa Agosto 22 kasabay ang Crazy Rich Asians (na tampok si Kris Aquino at ang Fil-Am na si Nico Santis), at ang animated movie na Hotel Transylvania 3: Summer Vacation (lampas $292M na ang worldwide gross).

Event movie rin para sa fans ang The Hows of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

May rating man o wala mula sa CEB, dadagsain ito ng KathNiel fans umpisa Agosto 29.

I wonder kung ano ang magiging grado ng Goyo: Ang Batang Heneral ni Paulo Avelino.

Setyembre 5 ang playdate ng sequel ng Heneral Luna.

Setyembre 12 naman nakatakda ang Wander Bra nina Kakai Bautista at Myrtle Sarrosa.

I also wonder kung kailan ang playdate ng The Lease nina Garie Concepcion at Ruben Maria Soriquez.

Naudlot ang showing nito noong Hulyo 25, at siniguro ni Garie na may bagong playdate ito “next month” (Agosto 2018).
Oh!

GORGY RULA: Nabalitaan ko lang na nag-iyakan daw ang mga nag-review ng The Day After Valentine’s.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iba raw itong gawa ni Direk Jason Paul Laxamana, kaya Grade A agad ang ibinigay sa kanya.

Kaya hinuhulaang ito ang magna-number one sa takilya.

Pero ewan ko lang dahil tiyak na may panggulat itong Signal Rock ni Direk Chito Roño.

At siyempre, may suwerteng dala si Vhong Navarro sa mga pelikula niya, na puwedeng mangyari rin sa Unli Life.

Kaabang-abang ito. Pero mag-focus muna tayo ngayon sa Cinemalaya na magsisimula na ngayong araw, August 3

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results