Mabait na Basketbolista, iniwan ng asawa na sumama sa miyembro ng isang sikat na singing group

GORGY RULA: Sino kaya itong miyembro ng sikat na singing group ang sinamahan daw ng asawa ng sikat na PBA player?

Ayaw kasi sabihin ng aming source kung sino ito, pero ayon sa nasagap na kuwento ng PEP Troika, nakipagrelasyon daw ang asawa ng kilalang basketbolista dito sa miyembro ng sikat na sikat na singing group. Iniwan daw si Basketbolista at sumama na raw dito kay Miyembro nitong singing group.

Pero hindi rin daw nagtagal ang kanilang relasyon, naghiwalay din at bumalik daw si Babae kay sikat na PBA player. Tinanggap naman daw siya dahil mahal naman talaga siya nitong basketbolista, mabait naman kasi. Kaya kinalimutan na ang ginawa sa kanya nung asawa.

Kaya lang nagkaproblema na naman at naghiwalay na naman sila.

Hindi lang namin sure kung bumalik kay Miyembro ng singing group o sa iba na siya nakipagrelasyon.

Nag-decide na itong si Sikat at Mabait na PBA Player na mag-move on. Burahin na sa buhay niya itong babaeng minahal niya nang husto. Nakipagrelasyon na siya sa ibang babae.

Ang dinig namin, nagsasama na sila ng bago niyang karelasyon, pero parang nagsisimula na naman daw siya ng buhay niya dahil tinangay raw nung unang asawa ang halos lahat na perang naipon niya.

NOEL FERRER: Mahirap 'yang ganyang mga public figures ang involved kasi—ano kaya ang reaksyon ng basketball players kapag kinakantahan siya ng kanta ng singer na kalaguyo ng misis niya?

Nakakaapekto ba ito ng kanyang performance?

Sa panahon ngayon ng rigodon ng nga relasyon, saan mo mas gustong mabuhay—sa bola o sa musika?

JERRY OLEA: Magaling mag-dribble at mag-shoot si Basketbolista.

Ambait niya para patawarin at tanggapin ang misis, pero hayan, ginago siyang muli.

Mabuti pa, kalimutan na niya ang kanyang asawa.

Huwag siyang magpakahibang.

Yung mga tinangay ni Misis, idalangin niyang mapalitan ng mga biyaya mula sa Panginoon.

Huwag niyang indahin.

Doon sa singer na kalaguyo ni Misis, ingat-ingat sa karma.

Baka matapos kang pakinabangan ni Misis, matulad ka sa sinapit ni Basketbolista.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN